Share

Chapter 49

“She was shot...because of me.”

Tinitigan ko si Tito Rayven. Nakakuyom ang mga kamao niya. Nakabalot ng bandage ang braso niya at sa tingin ko ay tinamaan din siya.

May dahilan ba kung bakita sinisisi niya ang sarili niya? May kinalaman ba siya dito?

Pero kahit naman ako, gusto ko siyang sisihin sa nangyari. Siya ang kasama ni mama. Dapat pinrotektahan niya ang mama ko. Dapat hindi niya hinayaang masaktan siya.

“This is all my fault. I put her into this mess.”

Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin, tito?”

“Dad, you have to fix yourself. Magpahinga ka na muna,” sabi naman ni Arc.

Pinigilan ko si Arc sa paglapit kay Tito Rayven. May gusto pa akong itanong. Gusto kong malaman kung anong ibig niyang sabihin at kung bakit sinisisi niya ang sarili niya.

“Tito Rayven, may kinalaman ka ba sa pagkabaril ni mama?” mariin kong tanong.

Hinintay ko siyang sumagot pero hindi na siya nagsalita.

“Lian, pwede mo siyang kausapin pagkatapos niyang magpahinga. Sa ngayon, kumalma muna tayong la
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status