Share

Chapter 50

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Ano-ano ang nga bagay na kaya mong tanggapin tungkol sa pagkatao niya? At kailan ba matutumbasan ng pagmamahal ang lahat ng masamang nakaraan ng taong mahal mo?

Kagaya ng sinabi ni mama, kung mahal mo ang isang tao dapat handa kang tanggapin ang lahat ng tungkol sa kanya. Lahat ng katangian niya—pangit man o maganda ang mga iyon, dapat buong puso mong matatanggap.

“Tito Rayver, gusto ko pong kumbinsihin si Arc na itigil na ang paghihiganti. Dahil katulad po ninyo, nag-aalala din po ako sa kanya nang sobra,” saad ko.

Tumango si Tito Rayver sa sinabi ko. “Salamat, iha. Salamat sa pag-aalala mo sa anak ko.”

Napalunok ako. Kanina ko pa iniisip ang sasabihin ko kay Tito Rayver. Buo na sa isip ko ang bawat salita pero baka mautal ako kapag sinabi ko na iyon.

“Importante po siya sa akin. Mahal ko po si Arc,” pag-amin ko.

Yumuko ako para hindi makita ang magiging reaksyon nilang dalawa. Sobrang nanlalamig ang mga kamay ko at nanunuyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Senaieca
napakaganda ng kwento, di lang basta maganda dahil may aral din. 🩷
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status