“She was shot...because of me.”Tinitigan ko si Tito Rayven. Nakakuyom ang mga kamao niya. Nakabalot ng bandage ang braso niya at sa tingin ko ay tinamaan din siya. May dahilan ba kung bakita sinisisi niya ang sarili niya? May kinalaman ba siya dito? Pero kahit naman ako, gusto ko siyang sisihin sa nangyari. Siya ang kasama ni mama. Dapat pinrotektahan niya ang mama ko. Dapat hindi niya hinayaang masaktan siya. “This is all my fault. I put her into this mess.”Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin, tito?”“Dad, you have to fix yourself. Magpahinga ka na muna,” sabi naman ni Arc.Pinigilan ko si Arc sa paglapit kay Tito Rayven. May gusto pa akong itanong. Gusto kong malaman kung anong ibig niyang sabihin at kung bakit sinisisi niya ang sarili niya.“Tito Rayven, may kinalaman ka ba sa pagkabaril ni mama?” mariin kong tanong.Hinintay ko siyang sumagot pero hindi na siya nagsalita. “Lian, pwede mo siyang kausapin pagkatapos niyang magpahinga. Sa ngayon, kumalma muna tayong la
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Ano-ano ang nga bagay na kaya mong tanggapin tungkol sa pagkatao niya? At kailan ba matutumbasan ng pagmamahal ang lahat ng masamang nakaraan ng taong mahal mo?Kagaya ng sinabi ni mama, kung mahal mo ang isang tao dapat handa kang tanggapin ang lahat ng tungkol sa kanya. Lahat ng katangian niya—pangit man o maganda ang mga iyon, dapat buong puso mong matatanggap.“Tito Rayver, gusto ko pong kumbinsihin si Arc na itigil na ang paghihiganti. Dahil katulad po ninyo, nag-aalala din po ako sa kanya nang sobra,” saad ko.Tumango si Tito Rayver sa sinabi ko. “Salamat, iha. Salamat sa pag-aalala mo sa anak ko.”Napalunok ako. Kanina ko pa iniisip ang sasabihin ko kay Tito Rayver. Buo na sa isip ko ang bawat salita pero baka mautal ako kapag sinabi ko na iyon. “Importante po siya sa akin. Mahal ko po si Arc,” pag-amin ko.Yumuko ako para hindi makita ang magiging reaksyon nilang dalawa. Sobrang nanlalamig ang mga kamay ko at nanunuyo
Noong mga bata pa tayo, paborito natin ang mga kwentong may masayang katapusan. Iyong nagkatuluyan ang dalawang bida sa huli at masayang nagsama hanggang dulo.Pero hindi iyon ang gusto ko. Hindi ko gustong magkaroon ng katapusan ang kwento namin ni Arc. Gusto kong maging masaya kami at wala nang katapusan. Happy lang walang ending. Dahil aanhin ko pa ang masayang kwento kung may hangganan naman?Anong halaga ng kasiyahan ngayon kung darating ang araw na malulungkot din pala kami?Tahimik dito sa rooftop kung nasaan kami ni Arc ngayon. Malalim na ang gabi kaya nagkikinangan na ang mga bituin sa langit. Nakaupo kami sa gilid at dinadama ang masarap na katahimikan. Nakasandal si Arc sa balikat ko at ako naman ang humahaplos sa buhok niya.Our fingers were intertwined and our hearts were beating in sync. Simula nang makilala ko siya, hindi siya nagkulang sa pagpapakita ng pagmamahal niya sa akin. Inaalagaan niya ako at iniintindi. Siya ang
WARNING: R18+It took him fifteen minutes to finish cooking our dinner. He cooked a sweet and sour chicken. Inilapag niya iyon sa harap ko nang may malaking ngiti. Mukhang proud na proud siya sa niluto niya. Sabagay, amoy pa lang ang nalalanghap ko, natatakam na ako. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at kinuha ko agad ang kutsara para tikman ang niluto niya.Pagkasubo ko pa lang ay tinaasan kaagad ako ng kilay ni Arc. Nginuya ko ang manok at malambot ito. Halos hindi ko na nga gaanong nginunguya ang karne e. Masarap ang luto niya. Nakatikim naman na ako ng ganito noon pero hindi ganito ang lasa. Hindi naman sa may favoritism ako. Pero mas masarap talaga itong luto niya. Paano ba ‘to? Halatang confident siya na masarap ang luto niya kaya ang laki ng ngisi niya ngayon. Siguradong-sigurado siya na makukuha niya ang premyo niya.“So, what can you say, miss?” he asked in a formal tone.“Hindi ko pa masyadong nalalasahan,”
TRIGGER WARNING!!Mabilis na lumipas ang tatlong araw. Siguro dahil masaya kami at magaan ang lahat ng pangyayari sa paligid. Ang unfair nga e, bakit kapag masaya ka ang bilis ng oras? Tapos kapag malungkot ka naman, napakabagal ng oras.Para bang ayaw ng tadhana na sumaya tayo nang matagal sa halio ay gusto nitong matagal tayong magdusa.Bumubuti pa lalo ang kalagayan ni mama. Hindi pa nga lang siya nakakalabas ng ospital dahil ayaw siyang payagan ni Tito Rayver. Gusto kasi ni tito na kapag natanggal na ang tahi niya ay saka siya uuwi. Sang-ayon din ako sa gano’n. Alam ko kasi na kapag umuwi na si mama ay hindi na naman siya magpapaawat sa trabaho. Kaya mabuti nang nandito siya.Kalalabas ko lang galing ng banyo dahil nagbihis ako. Nitong nakaraang tatlong araw kasi ay palagi kaming sabay mag-dinner ni Arc tapos hinahatid niya ako sa condo. Ang pumapalit sa akin sa pagbabantay kay mama ay si Tito Rayver.Dumating na si Tito Rayver kaya p'wede na akong umalis. “Mama, Tito Rayver, aa
TRIGGER WARNING!!Pagkatapos akong sapilitan na pinakain ni Leo ay iniwan niya ako ulit. Ilang oras ang hinintay ko at unti-unting lumamig ang paligid. Alam ko na kaagad na gabi na.Hindi man lang ako dinalaw ng antok. Nakatulala lang ako sa sahig habang pinakikinggan ang maliliit na ingay sa paligid. Napaangat lang ako ng tingin nang may marinig akong naglalakad papalapit sa akin. Nakita ko kaagad si Marianne.Iba na ang suot niyang damit. Siguro ay nakauwi na siya at bumalik na lang ulit ngayon. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Pero ang mas nakakuha sa atensyon ko ay ang baril na hawak niya. “Hi, Lian. Naiinip ka na ba dito?” tanong niya.Hindi ako kumibo. Wala na nga akong sinabi pero nagalit na naman siya. Gamit ang dulo ng baril ay sinampal niya ako. Nalasahan ko kaagad ang dugo galing sa sugat ng labi ko.“Kapag tinatanong kita, sumagot ka!”S******p ko ang dugo ng labi ko at dinura sa paanan niya. Kanina pa ako nauubusan ng pasensya. Malakas lang naman a
⚠️⚠️⚠️Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. Wala akong magawa kundi umiyak habang naririnig ko ang pagpapahirap nila kay Arc. Ayaw kong dumilat. Ayaw kong makita siyang nasasaktan.Hindi ko kaya. Sana pinatay na lang ako ni Leo. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makitang binubugbog si Arc.“L-Leo, please! Tama na ‘to. Tama na!” sigaw ko.“Tahimik! Ako ang magsasabi kung kailan hihinto ang palabas! Dumilat ka! Panoorin mo siya!”Idiniin niya sa sentido ko ang baril kaya sapilitan akong dumilat. Natanaw ko si Arc na pilit tumatayo. Dumudugo ang noo niya at sumusuka na rin siya ng dugo. Kapag nagpatuloy sila sa pananakit sa kanya, mamamatay siya. Kapag hindi siya lumaban, mas lalo siyang masasaktan.Wala na ba talagang tutulong sa amin? Ito na ba ang katapusan namin? Ito ba talaga ang nakatadhanang mangyari? Wala na bang plot twist ‘to? Tahimik akong nagdasal na sana may dumating na tulong. Na kung isa lang ang makakaligtas sa amin, sana si Arc ‘yon. At tila ba may nakarin
Mabilis na lumipas ang isang linggo pero wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ni Arc. Pinayagan na ako ng doktor na ma-discharge noong ikatlong araw ko dito sa ospital. Kaya naman nakakapasok na rin ako sa kwarto ni Arc.Sa loob ng pitong araw niyang pagtulog, ni minsan hindi ako umalis sa tabi niya. Palagi ko siyang kinakausap at hinihintay na sumagot siya. Ako rin ang nagpupunas sa katawan niya. Tuwing ikalawang araw naman, inaahitan ko siya para hindi humaba ang mga facial hairs niya. Si Arc kasi, mahilig siyang mag-ahit. Alam niyang mabilis mairita ang balat ko sa bigote o balbas niya.Isang linggo na. At sobrang sakit pa rin. Walang araw na hindi ako umiyak. Gabi-gabi akong hindi makatulog. Umaasa kasi ako na gigising siya bigla. Gusto ko...kapag nagising siya, ako ang una niyang makikita.“Arc, gumising ka na, please. Idilat mo na ‘yang mga mata mo. Miss na miss na kita. Durog na durog na ang puso ko sa bawat araw na hindi ka gumigising. ‘Di ba ayaw mo akong umiiyak? Kaya gumisi