Share

Chapter 38

“Ubos na!” sabi ko nang maubos namin ni Arc ang halo-halo.

Itinapon ko muna sa basurahan ang cup bago ako bumalik sa harapan niya. Nakangiti na siya ngayon habang tinititigan ako kaya bigla akong nagtaka.

“Mas lalo bang gumanda ang mood mo dahil sa halo-halo?” tanong ko.

Umiling siya bago kinuha ang panyo sa bulsa niya. Bahagya niyang hinawakan ang baba ko bago marahang inangat ang aking mukha. Akala ko kung anong gagawin niya, iyon pala pupunasan niya lang ang gilid ng labi ko.

“You’re a messy eater,” he said.

Napanguso ako. “Dapat sinabi mo na lang. P’wede ko namang ako na lang ang magpunas. Para saan pa ‘tong mga kamay ko?”

Inangat ko ang dalawa kong kamay at ipinakita sa kanya. Ngumisi siya bago pinagsiklop ang mga daliri namin.

“This is the purpose of your hand. To hold mine,” he answered.

Ayan na naman siya. Saan niya ba natututunan ang mga banat niya? May pinapanood ba siyang tutorial kung paano magpakilig ng babae?

“Alam mo, nakakarami ka na. Tama ka na, baka maging kamatis n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Lizzy Guarino Eder
ang ganda ng kwento na to love it i
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status