Nang magmulat si Alena ng mga mata ay agad niyang kinapa ang kanyang tiyan. Naalala niya na dinugo siya bago nawalan ng malay. ‘My god, please keep my baby safe’ piping pakiusap niya. Nang pumasok ang doktor ay naupo siya at agad na nagtanong. “Doc, kamusta na po ang anak ko?” Kinakabahan na tanong niya. “The baby is fine, Miss Lanchester. Sa ngayon ay kailangan mong magpahinga, iwasan mo rin ang mag isip ng ikasasama ng loob mo dahil kahit makapit ang anak mo ay hindi natin masisiguro ang kaligtasan niya,” saad ng doktor, “eat healthy foods like vegetables and fruits para healthy kayo pareho ni baby.” Nakangiting dugtong pa nito. Nakahinga nang maluwag si Alena sa narinig. “Sige ho, doc, maraming salamat po.” Nang makaalis ang doktor ay saka siya bumaling kay Apol na nakatayo lang sa gilid. Napansin niya na tahimik lang ito at hindi nagsasalita. “Apol, si nanay? Si Kairo?” Naalala ni Alena ang nalaman niya, iyon ang dahilan kaya dinugo siya at narito sa hospital. Dama niya a
Ano ang ginagawa ng babaeng ito rito?! “Daddy, huhuhu!!!” Nanikip ang dibdib niya ng tumakbo ang bata at yumakap sa walang malay na si Kairo. Alam niyang mali… walang kasalanan ang bata, pero gusto niyang itaboy at palayasin ang dalawa. Kinain ng takot ang puso niya… paano kung dumating ang mga anak niya at makita ang mga ito? Hindi!!! “Hindi ka mukhang nagulat ng makita ang anak ko. So you know about us? Sinabi na ba ni Kairo ang tungkol sa amin?” Nakataas pa ang kilay na tanong ni Kley. Hindi siya nakasagot. Lumapit si Kley kay Kairo. Kumuyom ang kamao ni Alena ng makita kung paano nito haplusin ang pisngi ng lalaking mahal niya, halatang sinasadya pa nitong ipakita sa kanya ‘yon, na parang nagsasabi na ‘hindi lang siya ang may karapatan. Nanlaki ang mata niya ng bumaba ang ulo ni Kley. “Layuan mo si Kairo!” Bago pa mahalikan ni Kley si Kairo ay malakas na siyang itinulak ni Alena sa pader. “Ouch!” Napaigik si Kley sa sakit. “Mommy!” Nilapitan ni Art ang ina at
“Hays, kailan ka gigising, Kairo? Miss na miss ka na ng mga bata. Ang dami ko ring tanong sa’yo, kaya please bumangon ka na, kayo ni tito Bene.” Aniya habang marahan na pinapunasan ang mukha nito ng basang bimpo. Magdadalawang linggo na pero wala pa rin itong malay. Bawat araw, oras, minuto at segundo ay napupuno ng pag aalala ang dibdib niya. Ang daming tanong sa isip niya pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang magising ito para makasama nila ng mga anak nila. “Wag kang mag alala, anak. Naniniwala ako na magigising sila ni Bene. Hindi nila tayo iiwan dahil mahal nila tayo.” Wika ng kanyang nanay. “Sana nga po magising na sila, nay. Si Aimee gabi-gabi na lang umiiyak ang sabi ni Pina sa akin. Alam mo naman ang batang ‘yon sobrang mahal na mahal sila Kairo at tito Bene.” Napangiti ang nanay niya sa sinabi niya. “Gano’n din si Bene, anak. Mahal na mahal din niya ang kambal na parang kanyang tunay na apo.” Kinuha ni Alena ang cellphone ng mag-ring ito. “Ma’am Alena, m
[Alena] “Ano?! May anak si Kairo sa ibang babae?!!!” Halos mabingi silang dalawa ni Apol sa lakas ng boses ng nanay nila. “Niloko ka niya, gano’n ba?” “Nay, hindi po, okay?” Pinaliwanag niya sa nanay niya ang lahat nang alam niya. Humalukipkip ang nanay niya. “Ano ang plano mo ngayon, anak? Hindi pwede na sa iisang bubong lang kayo tumira ng babaeng ‘yon. Naroon na tayo, may anak din sila, pero wala siyang karapatan na umastang may relasyon pa sila.” “Tama si nanay, ate,” segunda ni Apol. “Ikaw ang balak pakasalan ni kuya Kairo kaya ikaw ang may mas karapatan tumira don. Sigurado ako na sinasamantala lang ng babaeng ‘yon ang sitwasyon ngayon. Gusto mo ba na humingi na ako ng tulong sa hubby ko? Naku, ipapatapon ko talaga ang babaeng yon dagat, sabihin mo lang, ate!” Bumuntong hininga siya at umiling. “Salamat na lang, Apol.” Tanggi niya. Sa pagitan nila ito ng babaeng ‘yon at ni Kairo, kaya sila rin ang dapat lumutas nito. “Nay, pasuyo naman, pakibantayan si Kairo. Uuwi
[Alena] Hindi niya mabilang kung ilang beses na ba siyang bumuntong hininga simula pa kanina. Hanggang ngayong nag aapoy pa rin ang dibdib niya sa galit kay Kley. Walang hiyang babae ‘yon, nagawang saktan ang anak niya. Kapag naaalala niya kung paano umiyak si Aimee kanina ay nagngingitngit talaga siya sa galit. Ayon sa anak niya ay hindi sinasadya na nasagi lang nito si Kley. Kahit si Pina ay hindi nito pinalagpas. May sayas yata sa ulo ang babaeng ‘yon, kaya kahit bata pinapatos. Kinuha niya ang cellphone ng magring ito. Tumatawag ang nanay niya. “Hello, nay?” “Alena, anak! Si Kairo!!!” Umiiyak na saad nito. Kulang nalang ay liparin niya ang daan papunta ng sasakyan. “Manong, sa ospital tayo!” Aniya sa driver. Nanginginig ang katawan niya sa pag aalala. Nagkaro’n daw ng seizure si Kairo, bigla na lamang daw nanginig ang katawan nito. “Diyos ko, ingatan mo po si Kairo.” Piping panalangin ng utak niya. Pagdating sa ospital ay sumalubong sa kanya ang nanay niya
[Alena] Malungkot na hinaplos niya ang buhok ni Adius at Aimee. Kahit na anong katatagan ang ipakita niya sa dalawa ay hindi maalis ang takot, lungkot, at pag aalala sa dibdib niya. Tatlong araw na naman ang lumipas pero hindi parin nagkakamalay sila Kairo. Nagsisimula na naman siyang umiyak sa tuwing nag iisa siya. “Pina, ikaw na ang bahala sa dalawa, babalik na ako sa ospital.” Paalam niya kay Pina. “Ma’am, nag aalala na ako kay Aimee. Sa tuwing naaalala niya si manong Bene at si Sir ay madalas siyang umiyak. Lahat kami dito sinusubukan na aliwin siya pero wa-epek, ma’am.” Malungkot na saad nito. “Talagang love na love niya si manong Bene at si Sir…” Parang may nagbara sa lalamunan niya. Kahit siya ay alam ang bagay na ‘yon. Si Aimee ang lubos na na-aapektuhan sa nangyari. Sigurado dahil bata pa ito at walang muwang, hindi pa kaya magpigil ng emosyon. “Ma’am Alena, mag iingat ka ha.” Inabutan siya nito ng tumbler. “Heto, sabi ni manang ay inumin mo ito pagdating mo sa hos
Pasipol-sipol pa si Doctor Tan habang naglalakad papunta sa kwarto ni Kairo Han. Alam ng matanda na walang magro-roam ngayon na mga doctors at nurses dahil katatapos lang i-check ng mga ito ang lagay ng binata. Todo ngisi pa ang matanda pagkatapos nitong alisin ang face mask. Mula sa bulsa ay inilabas ng matanda ang syringe na naglalaman ng pampatulog. Hindi lamang ito basta pampatulog ng ilang oras, ang sinuman na turukan nito ay aabutin ng isang linggo bago magising. Kinuha ni Doc. Tan ang cellphone sa bulsa ng magring ito. “Mahusay! Mabuti naman at nagawa mo nang kunin ang babaeng iyan, Kley. Hindi na ako makapaghintay na matikman siya. Sige na, mamaya na tayo mag usap dahil ang trabaho ko naman ang gagawin ko.” Nakangising tinapunan ng doktor nang tingin ang natutulog na si Kairo. “Patutulugin ko na muna ang lalaking ito.” Pagkababa ng cellphone ay lalong lumaki ang ngisi ng matanda. “Matulog ka na muna, Mr. Han. Hayaan mo ako na ang bahala sa babae mo… huwag mo na siyang han
[Alena] Sobrang sakit ng kanyang ulo ng magising siya. Nagulat siya paggising niya ay nakatali na siya. Ang huli niyang natatandaan ay nasa daanan sila- Nanlaki ang mata niya ng maalala na si Kley at mga ilang kalalakihan ang huli niyang nakita bago siya nawalan ng malay. Mukhang si Kley ang dumukot sa kanya. Nakaramdam siya ng takot at kaba ng biglang bumukas ang pinto. “Hello there, Alena.” Nakangising bati ni Kley. “Masyadong napasarap yata ang tulog mo.” “Walang hiya, ano ang ibig sabihin nito, Kley?! Bakit mo ako dinala dito?!” Napangiwi siya, ramdam niya na bigla nalang kumirot ang ulo niya. Mukhang nagkasugat siya sa lakas ng hampas sa kanya kanina ng kampo ni Kley. Nakita niya na may nilapag na camera si Kley at pinatong ito sa tokador. “Sa kwartong ito ka lang naman bababuyin ni Doctor Tan. Nakita mo ang camera na ‘to?” Nginuso nito ang camera. “Ito ang magiging katibayan na nagalaw ka niya. I can’t wait to see Kairo reaction kapag napanood niya na ang babaen