Share

CHAPTER SIXTY-ONE

Medyo matagal ang byahe. Hindi man lang ako pinagbihis ng disente ni Maximo. I look like an office girl samantalang siya, guwapong guwapo sa suot niyang suit. Halata talaga na sekretarya lang ako ngayon. Nakakainis.

“Matagal pa ba?” tanong ko habang palinga-linga ako sa paligid. Napansin ko kasi na medyo pamilyar sa akin ang lugar. Para bang nakadaan na ako rito dati. Hindi ko lang maalala ng klaro sa isipan ko but malakas ang kutob ko.

“Can’t you wait?”

Napahawak ako sa tiyan kong kumukulo. “E, gutom na kasi ako ano? Saka, kakain lang naman kayo. Bakit kailangan sa pagkalayo-layo pa?” Reklamo ko pa.

“Bakit ba napakareklamador mo?”

Napapigil ako ng tawa. Aww, he’s saying the same thing as he said to me before. Gusto kong tumawa pero baka magbago na naman ang ekspresyon ng mukha niya. Mamaya imbes na makakain ako itapon ako nito palabas ng kotse e.

“Bakit ba kasi dinala-dala mo pa ako dito, e.”

“Gusto mong bumaba?” Pagbabanta niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at agad akong kinabahan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status