Nakatulog nang matagal si Katie. Kahit papaano, nakabawi siya ng lakas sa labanang ginawa nila ni Zach. Tiningnan niya ang katabi. Tulog pa rin ito. Dahan-dahan siyang tumayo, pero ang mabigat nitong kamay ay nakadagan sa kaniya. Punog-puno ng pag-iingat na iniangat niya iyon, pero mas lalo lang humigpit ang yakap niyon sa kaniya. “Sleep again, sweetie. . .” bulong ng lalaki habang nakapikit pa rin. Napangiti siya. Masaya siya sa kung anong mayroon sa kanilang dalawa ngayon. Masaya siyang kasama ito kabundukang iyon— walang labanan, walang putukan, tahimik at purong kapayapaan lang ang hatid sa kalooban niya. Tumingin siya rito. Payapa na muli ang paghinga nito. Nakayakap pa rin ito sa kaniya sa ilalim ng makapal na comforter. The warm coming from his body could calm any storm. Kahit siya kayang-kaya niyong pakalmahin. She looked outside. Tahimik ang paligid. Puro huni ng kuliglig ang tangi lang maririnig sa parteng iyon ng kabundukan. Subalit, may isa pa siyang narinig. Napating
Malamig na haplos ng hangin sa balat ang naramdaman ni Katie. Kinapa niya ang katabing lalaki sa tabi pero wala ito. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Sinag ng araw na tumatama sa pinto ng tent ang bumungad sa kaniya. Tiningnan niya ang sarili. Napangiti siya nang makitang nakasuot na siya ng damit. Ni hindi niya namalayan na binihisan pala siya ng lalaki. Malamang, dahil iyon sa antok at pagod. Bumangon siya at pumunta sa labas. Ipinusod niya ang buhok saka sumandal sa post eng tent. Mula roon ay tanaw niya ang binata na may niluluto. Nakapantalon ito at walang saplot na pangtaas. Namumutok ang mga muscles nito sa dibdib at tumutulo ang pawis. Nakaramdam siya ng pag-iinit sa nakikitang iyon. Patuloy lang niyang pinagmasdan ang katawan ng lalaki na kagabi ay sinasamba niya. May sumilay na ngiti sa kaniyang mga nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi siya nagsisisi na ito ang unang lalaki na pinagbigyan niya ng kaniyang pagkababae. Bukod sa mga pisikal nitong katangian, paulit
Pagbalik nila sa trabaho, halos hindi pa siya makalakad nang maayos at hinang-hina pa ang kaniyang katawan. Iyon ba namang hindi na siya halos tigilan ni Zach hangga’t hindi sila parehong pagod na pagod. Tsk! Matindi ang lalaki sa kahit na anong klaseng labanan. Nailing na inabala niya ang sarili sa mga dokumentong nasa table ng binata. Nasa meeting ito nang oras na iyon. Hindi na siya sumama dahil sa nararamdaman. Inayos niya ang mga dokumento at inilagay sa tamang lagayan. Maya-maya, bigla siyang nakaramdam ng antok. Gusto niyang pumasok sa loob ng maliit na silid kung saan nagpapahinga ang binata kapag pagod sa trabaho, pero baka biglang may dumating na bisita. Subalit hindi na niya kayang labanan ang antok, kaya nagpasiya na siyang pumasok doon. Bahala na! Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-dose na. Eksaktong lunch break pero mamaya na lang siya kakain pagkagising. Malaya niyang inilapat ang pagod na katawan sa hindi kalakihang kama sa kwartong iyon. Inalis ang sapatos saka
Masiglang sumunod sa mini pantry ang binata saka inayos ang mga plato. Habang inaayos niya ang mga pagkain napatingin siya rito— na titig na titig sa kaniya. “May problema ba?” Tumango ito at kinabahan siya. “Ano iyon?” Lumapit siya at sinalat ang noo nito. Wala naman itong lagnat. Kinabahan siya. Baka may biglang tawag galing sa mga kasama. “May maiitulong ba ako?” At tumabi siya sa binata. “Yes,sweetie! Malaki ang maiitulong mo.” Hinuli nito ang kamay niya at inikot sa leeg niya. “Ang mahalin mo ako ay sapat na,” anito sabay halik sa mga labi niya. Hinampas niya ito sa dibdib. “Ano ba! Hindi naman iyan ang pinag-uusapan natin, eh. Umayos ka nga! Bakit nga? Anong problema?” Huminga ito nang malalim at niyakap siya. Hindi naman na siya nagpumiglas pa. “It’s because I can’t imagine that we are like this. That you are with me. Hindi mo pa man ako sinasagot, parang ganoon na rin. Kaya nga hinding-hindi na kita pakakawalan pa kahit na anong mangyari. I will just wait for your answer.
Nakatitig si Katie kay Zach habang nagsasalita ito sa unahan at nag-d-demo ng mga gagawin nila sa kasong hawak. Kompleto ang buong team. Si Mavy ay nasa kanang bahagi ni Zach. Sina Leigh at Sgt. Tolentino naman ang magkatabi. “We need to close this case as soon as possible. I know we can do it, team. I trust all capabilities with it comes to this. Kaya nga kayo ang mga pinili ko sa misyong ito,” anito sa kanila. “Are you with me?” “Sir! Yes, sir!” Tumayo ang lahat at sumaludo rito. Sumaludong pabalik si Zach. “Dismissed!” Lumabas na ang mga kasamahan niya maliban kay Mavy. “Hi, Baby Katie!” Nag-fist bump sa kaniya si Mavy. “Sgt. Felipe, how’s Cassey?” nakangiting tanong niya. “She’s fine. But I really think she’s pregnant. Not quite sure about it, but I could feel it,” anito na masaya ang mukha. “Talaga?! Masaya ako para sa inyo, Mavy!” Nayakap niya ito nang wala sa oras. May tumikhim naman sa likuran niya. “What is that news, sweetie?” Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap
Matapos ang isang mahabang linggo sa pagtrabaho. Isang mensahe ang natanggap niya kay Zach. “Sweetie, I miss you. Please wait for me.” Nasa final screening ito ng mga bagong sundalo at tatlong araw na silang hindi nagkikita. She missed him so much. Yung parang isang taon na silang hindi nagkikikita. Nasa condo na siya noon at kasalukuyang nagluluto ng hapunan. Umupo muna siya para mag-reply pero biglang tumunog ang cell phone niya. Nakita niya sa screen ang pangalan ng binata kaya mabilis niya iyong sinagot. “Yes, General Silva?” pabirong sagot niya sa tono na kunwaring nagtatampo. “Hi, sweetie. Open the door. Andito ako sa labas,” malambing na wika nito. Napanganga siya sa sa narinig. Hindi niya maipaliwag ang excitement na nadarama. Natatarantang inayos niya ang suot. She was just wearing a pink sando at shorts na umabot sa may hita niya. “Ang bilis mo naman. Akala ko nasa kampo ka pa?” aniya. Hindi siya magkaintindihan sa pagtayo papuntang pintuan. “Nasa parking lot n
Nagising siya na may mabigat na nakadagan sa beywang niya. Halos hindi siya makagalaw sa higpit ng yakap ni Zach sa kaniya. Napangiti siya. Masarap pala sa pakiramdam na katabi mo ang taong nagpapasaya sa iyo. Na pagising mo mukha niya ang masisilayan mo. Nakita niya ang mapayapang pagtulog nito sa tabi niya. Napakagwapo nito kahit saang anggulo tingnan. Ang matangos nitong ilong at ang mga mapupulang labi— na kagabi lang ay baliw na baliw na humahalik sa mga labi niya. Parang na-hypnotize siyang titigan ang mukhang iyon. “Am I still handsome, sweetie?” His husky voice made her heart beat faster. Tumingin siya rito, ngunit nakapikit ito. Naramdaman niya ang pagyakap nito nang mahigpit sa bewang niya. “Good morning, sweetie. Let’s sleep again.” Hinila siya nito paharap at hinalikan sa labi. “Good morning, too. Wala ka bang trabaho ngayon?” mahinang wika niya. “Cancelled. And remember, today is Sunday. Just sleep and relax. . . And then, we’ll get tired again.” Pilyong umibabaw ito
Napakaganda ng tanawing bumungad sa kaniya mula sa roof top ng building na iyon. Isang lamesa na puno ng dekorasyon ang naroon with matching red carpet sa gitna. Nagniningning din ang mga ilaw sa paligid. Iyon ang dinner date set up na inihanda ni Zach para sa kaniya sa gabing iyon.The place was so perfect para sa magsing-irong. Tahimik at silang dalawa ang naroroon. Tanaw niya ang mga building at abalang kalsada sa ibaba at mga ilaw na animo’y christmas light.Nilingon niya si Zach nang nakangiti. “Nice place,” bulong niya bago yumakap dito.Hinaplos nito ang mahaba niyang buhok. “I’ll do everything to make you happy.”Maya-maya, isang malamyos na musika ang pumailanlang sa paligid. Hinawakan siya ng binata at dinala sa gitna. They danced with the music and feel the peaceful place. She even closed her eyes at sumunod sa indak nito. She felt comfortable in his arms— felt like home. Kaya nahiling niya sa sarili na sana ganoon na lang lagi. Walang labanan, walang putok ng baril. Sila l