Nag-peace sign si Victor sa mga lumingon at muling bumaling kay Nadja. Ang totoo niyan ay masaya siya dahil kasama niya ang mga bata at si Nadja. Ramdam niya ang pagkakaroon ng pamilya. Hindi maiiwasan na magbulungan ang mga tao sa paligid nila. “Misis ko po,” proud na sabi niya sa iba. Tumango ang ilan at napangiti. Hinampas siya ng singer at pasimpleng kinurot sa kanyang braso. “Ano ba? Tumigil ka nga.” “Sinasabi ko lang ang totoo.” Malayang sumali sa ilang laro ang mga bata at naki-cheer pa sina Nadja at Victor. Hindi nanalo ang kanilang grupo ngunit kitang- kita sa mga ngiti at mata ang saya ng kanilang kambal. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. “Are you happy, kids?” tanong ni Nadja. Pawisan ang kambal. “Yes, Mommy. Very, very happy” sabi ni Mackie at Holly. Mabilis na pinunasan ni Victor ang pawis ng dalawa. “This is the very first time that you are both here, Mommy! Daddy!” dagdag pa ni Holly. Pagkatapos ng laro ay hindi na napigilan ang ilang mga magulang ang lumapit at m
“Victor, why are you so crazy about sex?” “Sa iyo lang naman, Nadja. Since the day I got you, ikaw na lang ang babaeng gusto kong makaulayaw sa kama. Marry me. Let’s make a change for our family.” Iyon ang huling pag-uusap nina Nadja at Victor. Napaiyak si Nadja matapos marinig ang pag-alis ng kotse niya. “Huwag muna tayong magkita, Victor.” Iyon ang minabuting gawin ni Nadja dahil sa tuwing nagkikita sila ay para silang mga magnet na kusang nagdidikit at nauuwi sa romansahan sa kama ang eksena. “Bakit?” “Malapit na akong ikasal.” Tuloy pa rin ang planong pagpapakasal nina Nadja at Philip. Nakuhanan sila ng mga reporter na nagtungo sa House of the Bride ng sikat na wedding gown designer ng bayan na si Kate Cruz. “Tuluy na tuloy na talaga ang kasal ninyo?” “OO naman. Walang makakahadlang sa aming plano.” mariing sabi nito. “Pagkabirhen ko lang ang nabili mo. Nakuha mo na ang gusto mo sa akin. If you think my kids are sort of interest, I don’t think I can give them to you just
Hindi na bumaba si Nadja sa kanyang kuwarto matapos ang komprontasyon nila ni Victor. Kinatok siya ni Sophia dahil magpapaalam na sina Sharon at Max ngunit wala silang narinig na tugon mula rito. “Aalis na kami, Sophia.” “Ma’am, dumating po si Sir Victor at mukhang nagkulong po ng kuwarto.” Hindi na iyon binanggit ni Sharon sa kanyang kaibigan. “Ano na naman ba ang nangyari at nagmamadali kang umuwi?” “Umuwi daw si Victor at nagkulong sa kuwarto.” “You see, you raised your son to be weak.” Masama ang tingin ni Sharon sa asawa dahil sa sinabi nito. “Ah ganoon ba ang tingin mo kay Victor? Weak kaagad? So, you think that men don’t cry because it makes them weak?” “Darling Sharon, masyado ka namang high blood.” “Bogart, dalian mo! Sa mansion tayo,” mabilis namang tumugon ang alalay nila. “Ano pang hinihintay mo, Bogart? Dalian mo at mainit na ang ulo ni Madame Sharon.” Panay naman ang buntung-hininga ng babae at inis na inis sa drama ng anak. Hindi naman ito mapalagay sa kanyang
Maagang gumising sina Sharon at Max. Hinila muna ng lalaki ang asawa. Tiyak nitong kuwarto ni Victor ang una niyang pupuntahan. “Saan ang punta?” “Titingnan ko kung buhay pa ang anak mo.” “Tsss, ako na ang kakausap sa kanya. Leave it to me.” Dahan-dahan pang kumilos si Max. Inisip niyang mabuti kung anong puwedeng sabihin para lang mapalabas si Victor ng kuwarto. Nasa trabaho na raw si Nadja at hindi naman nagmukmok ng katulad ni Victor na nag-hunger strike pa. Kabado si Sharon. “Ako na sabi ang kakausap.” Si Sharon pa sana ang kakatok pero pinigilan siya ni Max. “Ano ba? Angkulit mo naman eh! Ako na ang kakatok.” “Max…” “Ako nang bahala, Sharon. Wala ka bang tiwala sa akin? Makikita mo, pagbubuksan ako ni Victor pero dito ka lang sa labas. Ipaghanda mo na lang kami ng makakain. Tiyak na gutom na ito.” “Sigurado ka ba?” “Akong bahala.” Pumuwesto si Max. Kumatok siya ng tatlong beses. “Victor, ang papa mo ito.” Nakikiusyoso pa si Sharon. Gusto niyang pakinggan kung may kumikilo
“Boom! Ganoon kalakas ang impact!” Paglalarawan ni Maura habang nagkukuwento kung paano dapat gumawa ng malakas na pagsabog ang isang car accident. “Kasama dapat ang kotse sa pagsabog para tapos ang laban.” Parang sumakit lalo ang ulo ni Jayson sa plano ng asawa. Natitiyak niyang pagsisimulan iyon ng mas malaking gulo sa pagitan nila. “Jayson, what can you say if I leave everything to you? Will that make you happy?” “Anong ibig mong sabihin?” “Tulad ng nasa isip mo.” “Ipinauubaya mo na ba ang lahat sa grupo namin?” “Oo, basta’t titigilan na ninyo ang pamilya ni Victor. Matanda na ako. May asawa na si Victoria. Mag-aasawa na rin si Victor at parehong naman nilang ayaw hawakan ang negosyo ng Richman’s Club. Nabuno ko na ang mahabang panahon sa ganitong klase ng negosyo. Ano pa ba ang gagawin ko? Baka panahon na para mamasyal na lang kami ni Sharon sa iba’t ibang panig ng mundo. Ano sa tingin mo?” “Magandang balita iyan kung ganoon.” Ibinaba na ni Max ang linya. Masayang lumapit sa
Inulan ng dasal ang social media para sa lubusang paggaling ni Nadja. May mga nag-post ng dasal at nagpadasal pa sa simbahan. May ilan na bumuo ng grupo para sa kagalingan ni Nadja. Maging si Rosanna ay napakurus ng noo. Napanuod niya ang exclusive footages ng aksidente. Napailing ito dahil masyadong lapitin ng disgrasya ang kaibigan. “Huwag kang mawawalan ng pag-asa, Victor. Mabait si Nadja. Tiyak na hindi siya pababayaan ng Diyos. Magiging masaya rin kayong dalawa.” “Mag-iingat ka rin diyan, Rosanna.” Tatlong buwan na rin ang tiyan ng babae. May inupahan naman silang kasambahay upang kasama niya sa lumang bahay na minana ni Nadja. Pansamantala siyang pinatira pansamantala si Rosanna hanggang makapanganak. Hindi siyang magawang iniwan ni Victor lalo na sa maselang kondisyon ng pagbubuntis nito. Pinakinggan ni Victor ang huling voice recording nito bago siya madisgrasya. Nahilam ang kanyang mga mata ng luha. Sinabi niyang mahal pa rin niya ang lalaki at wala na itong ibang mamahal
Tahimik ang buong pamilya ni Nadja. Katabi niya ang kanyang mama at papa. Naipakilala na rin ang kanyang mga kapatid. Kumpleto ang lahat sa loob ng pribadong kuwarto ni Nadja. Naroroon din ang doktor upang sabihin mismo ang resulta ng mga examination sa kanya. “Miss Santiago, you are in the first month of your conception when you meet the accident. When that kind of car accident, it is impossible for you to be alive.” Total wrecked ang sasakyan ni Nadja at ang kakila-kilabot doon, sumabog ang kotse matapos siyang ilayo doon. “You have a high risk of getting miscarriage. I am sorry.” Isinubsob ni Nadja ang mukha sa kanyang ina. “Mama…” Mahigpit siyang yumakap kay Sophia. Hinagod niya ang likuran ng anak dahil sa hindi magandang balita. “I am sorry, Victor.” “I understand, Nadja.” Awang-awa si Victor kay Nadja. Hustong dumating rin si Philip kasama ang kanyang secretary at ang representative ng Titan Agency. Nanatili ang doktor sa loob. Her career might go into waste matapos sabihi
Maraming fans ni Nadja ang naghihintay sa kanya sa labas ng ospital. May mga reporters din ang ilang araw ng paikut-ikot sa lugar upang makakuha ng latest news tungkol sa kanya. Hindi sinasadyang napabuksan ni Nadja ang telebisyon at nakita ang flash news. Kasalukuyang nagkakaroon ng media press release ang Titan Agency tungkol sa update tungkol sa kalagayan ni Nadja. Marami ang nalungkot ng sabihing hindi na matutuloy ang kanyang concert. “Matagal naming inabangan ang pagbabalik ni Djana. Gusto namin siyang makita sa entablado na kumakantang muli.” May ibang malakas ang pananalig na magiging okay rin ang lahat. “Magpagaling ka, Lodi. Hihintayin namin ang pagbabalik mo!” May ibang umaasa pa rin. “Huwag kayong paasa!" May iba na naglabas na ng pagkadismaya sa sitwasyon. Inagaw kaagad ni Victor ang remote control at pinatay ang telebisyon. “Ano ba? Nanunuod ako!” “Huwag kang manuod ng ganyan.” Dahil maaaring hindi iyon makatulong sa kanya sa halip ay makadagdag pa ng pagkaawa ni