Share

CHAPTER 21

Pagod na si Nadja para makipagdiskusyon. Ayaw niya ng debate. Hindi niya pinapatulan noon si Abby. Siya ang madalas tumalikod at magkulong sa kanyang kuwarto. Hindi siya confrontational na tao.

Walang imikang kumain ang dalawa sa loob ng kuwarto ni Inigo. Inalalayan niya ito. Pinainom ng gamot pagkatapos kumain.

Nakaupo si Inigo sa kanyang kama at hindi pa umalis si Nadja. Nakaupo ito sa single sofa chair habang hawak ang kanyang cellphone.

Pinaalalahanan na siya ng doktor na mag-a-undergo ng denial process ang lalaki. Hindi niya ipapakita at hindi nito aaminin na kailangan niya ng therapy.

“I see that your husband has a strong personality.”

“Excuse, Doc. Hindi ko po siya asawa.” Iba naman ang sinabi ni Inigo sa doktor. Sugar mommy daw niya si Nadja kaya lahat ay gastos nito.

“Anong plano mo? Gusto mo bang habambuhay ay naka-wheel chair na lang? Gusto mo bang makapag-asawa at magkaroon ng mga anak balang-araw?”

“Huwag mo akong gawing inutil na parang hindi ko kaya ang sarili ko.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status