Share

Chapter 6

Erika's Pov

Tahimik lamang ako sa kinauupuan ko habang sakay sa kotse ni David pauwi sa bahay ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Charles sa akin kanina. He wants me back? For what? Para saktan niya ulit?

Galit ako sa kanya. Sinaktan niya ako. Ito ang itinatak ko sa aking isip at puso magmula nang lokohin niya ako. Dapat ay puro galit lamang ang maramdaman ko sa kanya. Ngunit nang marinig ko ang tanong niya sa akin kanina ay biglang tumalon sa kinalalagyan nito ang aking puso. Bigla itong tumibok ng mabilis. Para bang nagising ang puso ko na ilang taon nahimbing sa pagkakatulog.

Dapat ay prangkang sinabi ko sa kanya na wala siyang second chance na aasahan mula sa akin. Na hindi na mangyayari na magkakabalikan pa kami. Ngunit sa halip na iyan ang sabihin ko sa kanya kanina ay bigla akong naumid. Parang naputulan ako ng dila kaya hindi ako nakapagsalita. Basta ko na lamang siyang iniwan at tinalikuran kanina pagkatapos ay niyaya ko na si David n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status