Share

Chapter 13

Erika's Pov

Pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Charles. Natuklasan na niyang nagsinungaling ako tungkol sa edad ni Rose. Sa kanyang isip ngayon ay mas lalo siyang nagduda na anak rin niya ang anak ko.

"Answer me, Erika. Anak ko si Rose, right?" patuloy na tanong ni Charles sa akin nang hindi ko sinagot ang mga nauna niyang tanong.

"Akina ang anak ko." Sa halip na sagutin ang tanong niya ay mabilis kong kinuha si Rose mula sa kanya at walang paalam na tinalikuran siya. Ngunit sumunkd siya sa akin at tila walang balak na tantanan ako hangga't hindi ko inaamin sa kanya ang totoo.

"Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko, Erika? Natatakot ka ba na kapag nalaman kong anak ko si Rose ay kukunin ko siya sa'yo?" mataas ang boses na tanong ni Charles sa akin habang patuloy na nakasunod sa likuran ko.

Biglang nagpantig ang mga tainga ki nang marinig ko ang sinabi niya. Huminto ako sa paglalakad at galit na hinarap siya.

"Hindi ako natatakot na baka kuhanin mo sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status