Share

Chapter 4

Charles Pov

Naiinip na ako habang kausap ko ang mga kakilala ko sa party na pinuntahan ko. Wala sana akong balak na um-attend sa party na ito ngunit ipinaalala sa akin ni Linda, ang aking secretary, na a-attend daw sa party na ito ang CEO ng Wilson Company na si David Wilson.

Wilson Company a new built company at kahit last year lamang ito pumasok sa mundo ng business ay unti-unti na itong nakakaangat. May potensiyal ang kompanyang ito pagdating sa mga Artificial Intelligence kaya naman iminungkahi ni Linda na makipag-cooperate ako sa CEO ng Wilson Company. Kaya ako narito sa party para makilala ng personal ang CEO ng kompanyang ito

Nang hindi na ako makatiis sa pagka-bored sa usapan ng mga kaharap ko ay nag-excuse ako para magtungo sa comfort room. Ngunit hindi ako nagtungo sa comfort room sa halip ay nagtungo lamang ako sa area na konti lamang ang mga tao.

Nalukot ang noo ko nang makita kong palapit sa akin ang nakangiting mukha ni May. Iiwas sana ako ngunit alam na niyang nakita ko siya kaya wala akong choice kundi kausapin siya nang makalapit na siya sa akin.

"Hi, Charles. It's nice to see you again," matamis ang ngiti na bati niya sa akin, may lambing din ang kanyang boses kaya napailing na lamang ako.

May is beautiful socialite. Anak ito ng isa sa pinakamalaking textile company sa bansa. She's rich and spoiled. At sa tuwing magkikita kami sa party ay hindi niya pinapalampas ang akitin ako.

"It's nice to see you too," sagot ko sa malamig na boses. Ayoko sa mga babaeng halos itapon ang kanilang sarili sa akin. It's a big turn off for me. At isa sa mga babaeng iyon si May.

"Can we talk somewhere? Gusto ko iyong tayong dalawa lamang. O di kaya magpunta tayo sa bar," nang-aakit ang ngiti na tanong niya sa akin. Alam ko kung ano ang nais niyang mangyari ngunit mabilis ko siyang itinaboy.

"I'm sorry but I am waiting for someone important," walang kangiti-ngiti na sagot ko sa kanya. Ilang beses na niya akong niyayang lumabas at magpunta sa bar ngunit palagi ko siyang tinatanggihan. Hindi ko alam kung manhid siya o hindi lamang siya nakakaintindi na ayokong lumabas kasama siya.

"Bakit ba palagi mo akong tinatanggihan kapag niyaya kitang magtungo sa bar, Charles? Am I not beautiful in your eyes? Maraming kalalakihan ang nagkukumahog na maka-date ako pero ikaw, you always turn me down. And it hurts my ego," inis ang boses na wika ni May sa akin.

"I don't have time to go out for leisure," maikling sagot ko sa kanya. Wala akong balak na mag-explain sa kanya dahil kapag sinabi ko ang totoo ay mas masasaktan lamang siya sa kanyang maririnig.

"Lier," nakasimangot na saad niya. "Balang araw ay sa akin ka rin babagsak, Charles. Tandaan mo iyan," mariin niyang banta bago walang paalam na tinalikuran ako. Napailing na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin. Hindi mangyayari ang sinabi niya dahil matagal ng may babaeng nagmamay-ari ng aking puso. Bagama't hindi ka na ulit siya nakita at hindi ko alam kung magkikita pa kami ay nananatiling siya pa rin ang nasa isipan ko at nakaukit sa puso ko ang kanyang pangalan.

Ininom ang laman ng basong hawak ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Kaysa naman problemahin ko ang sinabi ni May ay inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at hinanap sa mga bisita ang mukha ni David Wilson na ipinakita sa akin ni Linda bago ako nagpunta sa party. Ngunit sa halip na mukha ni David ang aking makita ay ang babaeng matagal ko ng inaasam na makitang muli ang nahagip ng aking paningin.

"Erika," mahina ang boses na sambit ko sa pangalan niya. Automatic na bumilis ang tibok ng aking puso pagkakita ko sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin mula noon hanggang ngayon.

Erika looks stunning. She's every inch a lady. Wala na ang inosente nitong mukha at kilos na siyang nagpaakit sa akin noon unang beses ko siyang masilayan. She looks smart now. Although I like her innocent looks before, I also like the way she looks now. Mas lalo itong gumanda sa nakalipas na limang taon. Kaya hindi ko masisisi kung matagal na napapatitig sa kanya ang mga kalalakihang bisita kapag napatingin sa kanya.

Nakaramdam ako ng inis dahil hindi lamang ako ang nakakakita sa kanyang kagandahan. Gusto ko siyang hilahin palabas ng function room at ilayo sa humahangang mga mata ng mga kalalakihang nasa loob ng party.

Alam ko na wala akong karapatan na makaramdam ng ganito dahil sinaktan ko siya noon. Na-diagnosed ako na may tumor sa brain noong magpa-check up ako dahil madalas na sumasakit ang aking ulo. Ang sabi ng doktor ay ilang months na lang daw ang itatagal ko sa mundo dahil nasa stage 4 na ang aking tumor. Ayokong masaktan si Erika kapag namatay ako kaya naman mas pinili ko na lamang na saktan siya para magalit siya sa akin.

Ngunit nagkamali ako sa ginawa kong iyon. Dahil hindi lamang siya ang nasaktan kundi pati ako. At higit sa lahat ay nagkamali lang pala ang doktor sa pagbibigay sa akin ng result. Hindi pala sa akin ang result na may tumor sa brain kundi sa kasabayan kong pasyente na nagpa-check up din. Simpleng migraine lang pala ang dahilan ng pananakit ng ulo ko at kailangan lamang ng ilang araw na pahinga.

Huli na nang nalaman ko ang totoo. Wala na si Erika nang puntahan ko siya sa bahay nila para magpaliwanag at humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Ang after five years, hindi ko akalain na muling magku-krus ang mga landas naming dalawa.

Patingin-tingin sa paligid si Erika na para bang may hinahanap ang kanyang mga mata. Hindi sinasadyang napatingin siya sa kinaroroonan ko at nagtama ang aming mga paningin. Bigla akong kinabahan kaya nang may dumaan na waiter sa harapan ko at may dalang inumin ay agad akong kumuha at nilagok ang lahat ng laman ng baso.

Nang biglang tumalikod si Erika ay nagmamadaling sinundan ko siya para kausapin. Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya ngunit mabilis siyang pumiksi na para bang napaso siya sa kamay ko.

"What do you want, Mister Evans?" malamig ang boses na tanong niya sa akin.

"Gusto lang naman kitang kamustahin, Erika," sagot ko sa kanya. "I just want to know if you're okay."

Tumaas ang isang kilay ni Erika nang marinig ang sinabi ko. "As you can see, I am fine. We're not close para kamustahin mo ako. And what makes you think that I am not okay?"

Tila tinutusok ng munting karayom ang dibdib ko sa malamig niyang pagtrato sa akin. But I deserved it.

"Erika. I want you to know something." Huminto ako sa pagsasalita at bahagyang niluwagan ang kurbata ko dahil pakiramdam ko ay bigla akong nasakal at nahihirapan akong huminga. Erika stares at me coldly. Parang hindi ko kayang ituloy ang nais kong sabihin sa kanya na alam ko namang hindi niya paniniwalaan.

"Anuman ang nais mong sabihin ay hindi ako interesadong malaman iyon, Mister Evans," she replied in the most business tone.

"Erika. What happened before was—" Naudlot ang sasabihin ko nang bigla na lamang may brasong humawak sa braso ni Erika. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking kasing-tangkad ko na siyang humawak sa braso ni Erika. Bigla akong naging possessive sa kanya. Ayokong may ibang lalaking humahawak sa kanya maliban sa akin. "Sino siya?" I asked her in a possessive tone.

"I am David Wilson. The CEO of Wilson Company and Erika's business partner." Ang lalaki ang sumagot sa tanong ko na walang iba pala kundi ang taong hinahanap ko. Hindi ko siya namukhaan dahil masyadong maliwanag ang picture na ipinakita sa akin ni Linda kaya akala ko ay maputi si David Wilson. Tan pala ang balat niya at malayo sa picture nito.

"Alam ba niya ang koneksiyon nating dalawa, Erika?" seryoso ang mukha na tanong ko ulit kay Erika. Gusto kong ipakita kay David na hindi lamang ako basta kakilala ni Erika kundi mas malalim pa sa iniisip nito ang ugnayan naming dalawa.

"Magmula nang kinuha mo ang shares ng mga magulang ko sa kompanya at noong niloko mo ako ay wala na tayong ugnayan sa isa't isa, Mr. Evans. Matagal ko nang pinutol ang kung anumang relasyon mayroon tayo," malamig pa sa yelo ang boses na sagot sa akin ni Erika.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status