Share

Chapter 11

Erika's Pov

Nabigla ako sa mga sinabi ni Charles at pakiramdam ko ay namutla ang mukha ko. Hindi puwedeng malaman ni Charles na anak niya si Rose. Ayokong kunin niya sa akin ang anak ko. Hindi ako papayag.

"Yes and No, Mr. Evans. Tama ka dahil hindi ko boyfriend at ama ni Rose si David. Ngunit nagkakamali sa pag-iisip na anak mo siya. Hindi mo anak si Rose. Sa tingin mo ba ay hindi ako magkakaroon ng relasyon sa ibang lalaki pagkatapos mo akong lokohin?" Matapang na sinalubong ko ng tuwid ang kanyang mga mata. Kapag hindi ko ito ginawa ay iisipin niyang totoo ang hinala niya dahil umiiwas akong tingnan siya sa mga mata.

"Sino ang kanyang ama?" mahina ang boses na tanong niya ulit sa akin. Mukhang effective ang ginawa ko dahil biglang bumagsak ang kanyang mga balikat. "Sabihin mo sa akin kung sino ang ama ni Rose."

"Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ang ama ng anak ko dahil natitiyak ko sa'yo na hindi mo siya kilala, Mr. Evans. Nakilala ko siya sa ibang bansa at umibig ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status