Share

MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS ME BACK
MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS ME BACK
Author: Daylan

Chapter 1

Erika's Pov

"Bakit ako nandito sa hospital, Raven?" nanghihina ang boses na tanong ko sa kaibigan ko nang pagbalikan ako ng aking malay. Tumulo ang mga luha ng kaibigan ko kaya hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo. "Bakit ka umiiyak? May sakit ba ako? Malapit na ba akong mamatay?"

Mabilis na umiling si Raven at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi bago magsalita. "You're three weeks pregnant, Erika.

"Erika? Nasa labas na si David. Mag-ready ka na."

Naudlot ang pagbabalik-tanaw ko sa isa sa mga nangyari sa buhay ko noon nang pumasok ang kaibigan ko sa silid ng anak ko.

Tumango lamang ako sa kanya at pagkatapos ay dagli rin siyang lumabas. Pagkalabas ni Raven ay muli kong tinapunan ang mukha ng natutulog kong anak. At muli, biglang rumagasa sa aking isip ang daluyong ng mga alaala na pilit kong kinalimutan...

"Puwede bang tumigil ka na sa kakaikot mo diyan sa harapan ng salamin, Erika? Kanina pa ako nahihilo sa'yo," hindi napigilan ng best friend kong si Raven ang magreklamo nang makita niya akong umikot sa harapan ng salamin for the tenth times. Kinakabahan kasi ako and at the same time masyadong excited. Gusto kong magandang-maganda ako sa gabing ito dahil napakahalaga ng gabing ito sa buhay ko.

Tonight is my engagement party with Charles Evan, my boyfriend for almost two years. Pinakahihintay ko ang gabing ito. Sa wakas ay ipapakilala na niya ako sa lahat ng mga kaibigan, kakilala, at kamag-anakan niya at ia-announce sa lahat ang pagpapakasal naming dalawa. Hindi na ako makapaghintay na maging Mrs. Erika Evans. Napakasarap pakinggan ng pangalan ko na karugtong ang apelyido ni Charles.

"Maganda na ba talaga ako, Raven? Hindi ba makapal ang makeup na inilagay mo sa mukha ko? Magustuhan kaya ni Charles ang suot kong black dress?" may pag-aalala ang boses na tanong ko sa kaibigan ko nang harapin ko siya. Gusto ko kasing maging perfect ang hitsura ko para sa perfect night na ito.

Black evening dress ang pinili kong isuot dahil ito ang paboritong kulay ni Charles. Tutol nga ang kaibigan ko na itim ang kulay ng dress na isuot ko dahil malas daw ang kulay na ito. Baka malasin pa raw ang pagsasama namin ni Charles. But Charles loves the color black and for me, black is elegance. At saka hindi ako naniniwala na malas ang kulay na black kaya hindi ko sinunod ang gusto ni Raven.

"Look at yourself, Erika. Napakaganda mo kahit na very  light ang makeup na ini-apply ko sa mukha mo. Kaya huwag mong pagdudahan ang beauty mo dahil kahit walang makeup ay maganda ka pa rin."

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Tama nga si Raven. Napakaganda ko nga at bumagay sa akin ang light makeup pati na rin ang dress na backless ang style at may katamtamang lalim ng uka sa dibdib na bahagyang nagpalitaw sa cleavage ng dibdib ko. Kahit okay na ang hitsura ko ay ewan kung bakit masyado pa rin akong conscious sa aking sarili. Siguro kinakabahan lamang ako dahil ito ang unang beses na haharap ako at makikihalubilo sa mga taong may koneksiyon kay Charles.

"Sana maging okay ang lahat."

Ewan kung bakit nasabi ko ang mga salitang iyon. Basta na lamang itong lumabas sa bibig ko kahit na hindi ko naman iniisip na hindi magiging okay ang engagement party namin ni Charles.

"Of course! Magiging okay ang lahat," agad na sang-ayon ni Raven. "Umalis na nga tayo dahil baka kapag nagtagal pa tayo sa bahay mo ay bigla ka na lamang umatras sa engagement party ninyo ni Charles dahil sa pagiging conscious mo diyan sa sarili mo."

Iyon ang hindi mangyayari. Hindi ako aatras sa engagement party namin ni Charles dahil ito ang pinakahihintay ko. Ngunit hindi ko na lamang isinatinig ang bagay na iyon. Sumunod na lamang ako sa kaibigan ko na nauna nang lumabas sa aking silid.

Si Raven ang nag-drive ng kotse ko papunta sa bahay ni Charles. At habang palapit ang sinasakyan namin sa malaking bahay ni Charles ay mas lalo akong kinabahan. Natitiyak ko na sa mga oras na ito ay naroon na ang lahat ng mga bisita na inimbitahan ni Charles para sa engagement party naming ito. Puro mga kakilala, kaibigan at kamag-anak nito ang mga bisita dahil wala naman akong mga kaibigan maliban kay Raven. Masyado kasi akong introvert kaya si Raven lamang ang nagtiyagang makipaglapit sa akin para kaibiganin ako.

"Mukhang puno na ng mga bisita ang bahay ni Charles, Erika," puna ng kaibigan ko nang mapansin ang halos siksikan na mga kotse na nakaparada malapit sa bahay ni Charles at mismong tapat ng gate ng bahay nito.

"Tatawagan ko lamang si Charles para salubungin tayo sa pintuan. " Dinukot ko ang cellphone ko sa dala kong pouch na katerno ng suot kong dress at idinayal ang cellphone number ni Charles. Walang sumasagot. Ilang beses ko pang idinayal ang number niya ngunit hindi talaga sinasagot ni Charles ang tawag ko. "Busy yata siya kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko," sabi ko kay Raven.

Sinalubong kami ng butler na si Antonio pagbaba namin sa kotse ko. "Good evening, Ma'am Erika. Napakaganda mo naman ngayong gabi," nakangiting bati niya sa akin sabay papuri. Iginiya niya kami papasok ng bahay dahil lahat ng mga bisita ay nasa malawak na bakuran lamang.

"Salamat," matipid kong sagot. "Puwedeng pakitawag si Charles? Sabihin mo sa kanya na dumating na ako."

Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ng butler at naging mailap ang mga mata niya. Tila ba nag-aalangan din siyang sundin ang sinabi ko na ikinakunot ng aking noo.

"Sorry, Ma'am Erika. Wala pa si Sir Charles. Hindi pa siya dumarating mula nang umalis siya sa bahay kaninang umaga," sagot sa akin ng butler.

"Ano? Oras ng engagement party niya pero wala ang presensiya niya?" inis na reaksiyon ng kaibigan ko nang marinig ang sinabi ng butler.

"Hayaan mo na, Raven. Darating din siya mayamaya. Alam naman natin na masyado siyang busy," pagtatanggol ko kay Charles. Totoo naman kasi na sobrang busy ni Charles dahil siya ang CEO ng Evans Industry. Marami siyang mga kinakausap na tao at inaasikasong mga papeles araw-araw.

Lumabas kami ng bahay at nakihalo sa mga bisita habang naghihintay kay Charles. Ngiti at tango lamang ang ginawa ng mga bisitang napapatingin sa akin dahil hindi naman nila ako kilala. Ngunit hindi bale na. Pagkatapos akong ipakilala ni Charles at i-announce ang kasal namin ay tiyak na makikilala rin nila ako.

Mahigit kalahating oras na kaming naghihintay ngunit wala pa rin si Charles. Nagsisimula ng mainip ang mga bisita kaya nagtatanong na sila sa butler kung bakit wala pa ang boyfriend ko. Ilang beses kong tinawagan ang cellphone number ni Charles ngunit hindi niya sinasagot. Nakaramdam tuloy ako ng pag-alala. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya kaya wala pa siya.

"Ano ba naman iyang boyfriend mo, Erika? Kanina pa tayo naghihintay pero ni anino niya ay hindi pa nagpapakita," yamot ang boses na sabi sa akin ni Raven. Akmang magsasalita na sana ako para ipagtanggol si Charles ngunit biglang bumukas ang gate at pumasok si Charles. Ngunit hindi siya nag-iisa. May kasama siyang napakagandang babae. Ang sikat na artistang si Jane Watson. Biglang may sumundot sa aking dibdib nang makita kong magkahawak-kamay sila at sweet na sweet na naglalakad palapit sa mga bisita.

Dumaan sa tapat ng kinatayuan namin sina Charles ngunit para lamang akong hangin na dumaan sa kanyang mga mata. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Sinasabi ng instinct ko na may hindi magandang mangyayari sa gabing ito.

"Charles," mahinang sambit ko sa pangalan niya. Nag-uulap ang aking mga mata at tila ba unti-unting gumagapang ang lamig sa buo kong katawan.

"Anong nangyayari, Erika? Bakit may kasamang ibang babae ang boyfriend mo?" Puno ng pagtataka ang mukha ni Raven.

"H-Hindi k-ko alam." Gumaralgal na ang boses ko. Nakita ko kasing dinala ni Charles ang babae sa gitna na siyang nagsisilbing pinaka-dance floor at pagkatapos ay matamis itong ngumiti sa mga bisita. Alalang-alala ako na baka may nangyaring masama sa boyfriend ko tapos makikita kong may kasama pala itong ibang babae.

"Good evening, ladies and gentlemen! I'm sorry for my late arrival. Medyo matagal kasing magbihis ang napakagandang babaeng katabi ko," maluwag ang pagkakangiti na wika ni Charles sa mga bisita.

"It's okay, Mr. Evans. Kanina ay naiinip na kami pero ngayong nandito ka na ay gusto naming malaman kung para saan ang party na ito na in-organisa mo?" tanong ng isa sa mga bisita kay Charles.

Tiningnan ni Charles ang magandang actress at dinala sa mga labi nito ang magkasalikop nilang mga palad. Nakangiting hinalikan ni Charles ang likurang palad ng nakangiting actress na ikinainggit ng mga bisita pagkatapos ay muling hinarap ang mga bisita.

"Ang party na ito ay engagement party namin ng fiancee kong si Jane Watson. Natutuwa akong ibalita sa inyo ang nalalapit naming pagpapakasal. At lahat kayong narito ay imbitado sa kasal namin," nakangiting pagbabalita ni Charles sa mga bisita.

Parang bombang sumabog sa mukha ko ang narinig kong mga

pahayag ni Charles sa harapan ng mga bisita. Kasabay ng pag-uunahan ng pagpatak ng mga luha ko ay ang pag-ikot ng aking paligid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status