Share

Chapter 30

Mavi Pov

"Ang ganda ng babaeng kinidnap natin, Rico. Ang suwerte natin dahil makakatikim tayo ngayon ng masarap na putahe."

"Tama ka, Edgar. Gusto ko na ngang tikman ang katawan ng babaeng iyan pero bakit ayaw mo pa akong payagan? Baka matakasan pa niya tayo," sagot naman ng lalaking tinawag na Edgar.

"Gusto ko siyang tikman habang gising siya para manlaban siya at para may thrill," sagot nito pagkatapos ay tumawa ito ng malakas.

Dinig na dinig ko ang usapan ng dalawang lalaki mula sa kinaroroonan ko. Wala silang kaalam-alam na gising na ako at nagtutulog-tulugan na lamang.

"Hindi na ba natin hihintayin si Aldo bago natin tikman ang babaeng iyan?" narinig kong tanong ng lalaki sa kasama nito.

"Kapag nagising ang babae na wala pa si Aldo ay hindi na natin siya hihintayin. Baka hindi ganahan ngayon ang taong iyon na tumikim ng babae dahil pagbalik niya ay tiyak hawak na niya ang bayad sa atin sa pagdukot sa babaeng iyan," sagot naman ng isa pang lalaki bago sabay silang nagkatawanan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status