Share

Chapter 31

Mavi Pov

Napatulala na lamang ako nang unti-unting bumalik sa pagiging tao ang katawan ni Alpha Magnus. At walang kahit anong saplot sa katawan. Gusto ko mang ipikit o ibaling sa ibang direksiyon ang aking paningin ay tila naman nakapagkit na sa kanya ang aking mga mata.

Napakaganda ng kanyang katawan. Malapad ang kanyang dibdib at mamasel ang kanyang mga braso at hita. At kanyang...ohh...hindi ko kayang ilarawan ang nagmamalaki niyang sandata.

Nakakatawang isipin na sa kabila ng panganib at muntikan ko nang pagkapahamak sa kamay ng mga kidnapers ay nakuha ko pang humanga sa magandang tanawin sa aking harapan. Ni hindi ko nga makuhang kumurap dahil nag-aalala ako na baka bigla siyang maglaho sa harapan ko at nananaginip lang pala ako.

Tila wala namang pakialam si Alpha Magnus kung nakabuyangyang ang kanyang kahubaran sa aking mga mata. Mabilis nitong nilapitan ang isa sa tatlong kidnaper na nakahiga sa damuhan at hindi gumagalaw pagkatapos ay hinubaran ito ng t-shirt at pantalon at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status