Share

Chapter 46

Mavi Pov

Tahimik na sumisimsim ako ng alak habang nakatayo sa gilid ng swimming pool. Napakatahimik ng gabi at perfect para sa mga taong katulad ko na nagmumuni-muni na. Wala sina Alpha Magnus at Sonia, day off naman ng dalawang katulong kaya si Chel, Moses, at ako lamang ang tao sa bahay ngayon.

Pagkatapos ng namagitan sa amin ni Alpha Magnus ay lumayo na siya sa akin. Minsan na lamang niya ako kausapin at iyon ay tungkol lamang kay Moses. Parang walang nangyari sa pagitan namin kung siya ay umakto.

Alam ko na wala akong karapatan na masaktan dahil ako naman ang nagsabi sa kanya na kalimutan na lamang ang nangyari sa amin, ngunit hindi ko pa rin maiwasang masaktan.

"Mom? Why are you drinking alone? Are you sad, Mom?"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Moses sa aking likuran. Masyado yatang malalim ang aking iniisip kaya hindi ko namalayan ang kanyang paglapit.

"Of course not, Moses. Hindi pa ako inaantok kaya naisipan kong uminom ng alak para mabilis akong makatulog." Baha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status