Share

Chapter 28

Honeylette POV

"Mama ang sarap po nang breakfast. Sana po laging ganito ang mga pagkain natin!." Aniya nang isang batang babae.

"Oo nga po mama." Segunda naman ng isa pang batang babae. Narinig ko ang sinabi nila habang pababa ako ng hagdan.

Napalingon sa gawi ko ang isa sa mga bata.

"Ate kain ka na po." Pag-aya nito. Dinedma ko iyon. Napatingin ako kay nanay na ngayon ay walang imik na nakatitig sa akin. Nagbaba siya ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin.

Pagkagising ko ay bumaba ako para hanapin si Lex. Hindi ko na siya nakausap kagabi. At paggising ko wala din siya sa tabi ko. Nagpalinga-linga ako.

"H-hinahanap mo ba si Alexander?." Nag-aalangang tanong ni nanay. Hindi ko siya sinagot nag- kunwari akong tila walang naririnig o nakikitang tao. Nagpatuloy ako sa paglinga.

"Maaga siyang umalis ang sabi niya ay papasok na siya sa opisina. Pinagbilin ka niya na asikasuhin pagkagising mo. Hindi ka na niya inabala sa pagtulog. Ang mabuti pa kumain ka na sabayan mo na ang m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status