Share

Chapter 13

DUMAAN muli ang panibagong araw. Naging matagumpay man ang two-day concert ni Navi sa Palawan, may natitira pang ilang araw bago sila tuluyang bumalik ng Maynila. Kaysa magmukmok sa hotel o kaya mamasyal sa malapit, minabuti ng grupo ni Navi na magbakasyon sa lugar na malayo sa siyudad.

They booked a flight to El Nido, Palawan on the same day. Hapon na sila dumating sa paliparan at agad na dumiretso sa private resort na pag-aari ng ka-batch ni Navi na isang social media influencer.

Pagbaba ng mag-inang Mabelle at Paris sa sasakyan ay puting buhangin ang kanilang naapakan. Langhap nila ang sariwang hangin ng karagatan na kahit papaano'y nakatulong para ibsan ang kanilang pagod sa biyahe.

"Ang ganda po dito, Mommy!" natutuwang wika ni Paris kahit halata sa mukha nito ang magkahalong antok at pagod.

"Oo nga. Ang tagal din nating hindi nakapunta sa beach, 'no?" ani Mabelle.

"Opo," sangayon ng bata. Palinga-linga ito sa paligid. "Pero bakit halos wala na pong tao, Mommy ko?"

Sinundan ng tin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lyn Rose Cipriano
Maganda po yung story. Please Miss A Sana everyday may update po. Thank you. Good luck po ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status