SCARLETT Nakatingin lang ako kay Lucien habang hinihingal. Nang wala pa itong balak magsalita ay nagsalita ulit ako. “Alam kong kinamumuhian mo ako dahil sa nalaman mo. To be honest hindi ko naman inaasahan na magiging ganito ang misyon ko, Hindi ko akalain na mapapalapit tayo sa isa't isa at magiging close. Hindi ko gustong saktan ka dahil sa mga nalaman mo tungkol sa akin. Pero anong magagawa ko? Ito ang misyon ko at ito ang klase ng trabaho ko. Kasama sa trabaho ko ang mag-panggap na ibang tao. At Lahat naman ay ginawa ko para ma-protektahan ka kahit ibuwis ko pa ang aking buhay gagawin ko, Please, stop this. Tapos na ang lahat nangyari na… “..Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako, tanggap ko kung kinamumuhian mo ako dahil sa klase ng trabahong meron ako at sa mga nalaman mo sa misyon ko. Ang gusto ko lang mangyari ay tigilan mo ang ganitong klaseng ugali, ‘wag mo ng ibalik ang dating ikaw dahil lang sa nangyari. ‘wag mo ng pahirapan ang sarili mo…Ngayon hinihingi k
Continuation.. SCARLETT “Alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo lalong lalo na ang protektahan si Lucien at kahit ano gagawin mo para sa kanya kahit na abala kapa sa ibang bagay… “...Louise, hinihiling ko sana na ituloy mo ang tatlong araw na day off na binigay ko sa ‘yo…” Nangunot ang noo ko at naguguluhang nakatitig kay Sir Aidan. “Hindi ko maintindihan Sir Aidan, pwede po bang direct to the point na kayo kung ano man ang gusto niyong tumbukin? Seryoso kong tanong Wala na akong balak ituloy ang tatlong araw na off dahil paniguradong magiging pasaway na naman si Lucien at pahihirapan lang nito sila Night. Isa pa pati ako ay hindi rin makakapag trabaho ng maayos dahil guguluhin ako nito. “Gusto kong tapusin mo ang tatlong araw na off at 'wag sundin ang aking anak sa gusto niya mangyari. Hayaan mo siyang masanay na wala ka sa tabi niya, Kapag natapos naman ang lahat ng ito ay mag kakanya-kaya na ulit tayo. Kami ay babalik sa dating buhay at ikaw ay ganon na rin. Gus
SCARLETT HUMINGA ako ng malalim bago seryosong tinitignan si Sir Aidan. Pinipilit ko ang sariling kumalma dahil kung hindi ay baka ano ang masabi ko sa aking kaharap. “Mawalang galang na Sir Aidan, parang sobra naman na ho ang hinihingi niyong pabor? Labas na ako sa buhay pag-ibig ni Lucien. Hindi ko ho hawak ang kanyang isip. Saka panigurado sa pag balik ko dito sa mansyon ay galit sa akin ang anak niyo. Mas mabuting si Lucien o Crystal na lang ang kausapin niyo tungkol sa bagay na iyan. Siguradong hindi ko ho iyan magagawa.” Malamig at seryoso kong sambit. Napatango-tango naman ito tapos muling nagsalita. “Yeah, you have a point. I know this is beyond your job, but you're the only one I can ask for a favor regarding this, especially since you're always with Lucien...The threat to our lives will be over soon, and everything will go back to normal. I want to make sure my son finds a suitable wife, and I see Crystal as the woman who fits him. You just need to bring them c
SCARLETT NAPAKABILIS dumaan ng araw bukas ay balik na ulit ako sa mansyon para ipagpatuloy ang pagiging bodyguard ko kay Lucien. Napabuntong hininga ako saka sumimsim ng wine habang nakatingin sa city lights. Katulad ng napagdesisyonan dito ako namalagi sa condo ng dalawang araw. Hindi ako lumabas para na rin hindi magtagpo ang landas namin ni Lucien. Susundin ko kung anong gusto ni Sir Aidan. Baka isipin nito na hindi ako marunong tumupad sa usapan. Ngayon ang kinababahala ko kung anong madadatnan kong Lucien bukas. Siguradong galit na galit na siya sa akin dahil hindi ako tumupad sa usapan. Baka maski tingin ay hindi na nito gawin sa akin sa sobrang galit o pagkamuhi. Sabagay mas maganda na rin na ganito na kamuhian niya ako o magalit siya ng sobra sa akin. Atleast madali niyang matatanggap ang pag-alis ko oras na matapos na ang misyon ko. Ilang minuto pa akong nagmuni-muni bago napagpasyahan na matulog na dahil maaga pa akong bibiyahe pabalik ng mansyon ng mg
SCARLETT PAGKARATING sa kompanya mabilis akong bumaba sa sasakyan para pagbuksan ng pinto si Lucien. Walang emosyon siyang bumaba saka dire-diretsong pumasok sa loob. Napabuga na lang ako ng hangin saka inabot sa staff na naghihintay ang susi para iparada ang sasakyan sa parking tapos ay mabilis na bumuntot sa likuran ng lalaki. Tama nga sila Thunder mas malamig makitungo ngayon si Lucien. Sabagay hindi ko naman siya masisisi. Sumira ako ng usapan, umasa siya na ako na ulit ang magbabantay sa kanya pero binigo ko siya. Sumusunod lang ako sa utos. Pagkarating sa opisina niya, katulad ng dati ay sa labas na ako naghintay. Walang lingon-lingon siyang pumasok sa loob ng opisina niya at sinarado ang pinto. Bumuga na lang ako ng hangin saka na-upo sa waiting area. Mukhang katulad ng dati mabuburyo ako maghapon dito. Hanggang sumapit ang tanghalian, balak ko sanang makisuyo sa isa naming tauhan na bilhan ako ng lunch ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Lucien at niluwa
PAGKASAKAY sa elevator ay agad akong sumandal. Hanggang kailan ba ako mag-titiis sa lahat ng ito? Sa dinami-rami ng misyon na nahawakan ko ito lang ang tumagal ng ganito at napaka-kumplikado. Sa una pa lang talaga mali na nakipag close ako sa mga Saavedra dahil sa kanila naging komplikado ang lahat, higit sa lahat masyado na akong na-attach sa kanila. Kasalanan ko rin dahil nagpabaya ako. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa floor kung nasaan ang opisina ni Lucien. Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay napatigil din agad ako dahil isang komusyon ang bumungad sa akin. Akala ko matiwasay na ang aking pag-akyat pero mali pala ako. Parang mas sakit sa ulo ang aking nadatnan. Naabutan ko lang naman na nag-sasagutan si Lucien at Night habang awat-awat ni Thunder at Crystal. Jeez, ano na naman ba ang nangyari? Nawala lang ako saglit may ganito na agad. Nang mapansin kong mas lalong nag kakainitan si Night at Lucien ay mabilis na akong naglakad palapit sa mga it
SCARLETT PAGPASOK na pagpasok namin sa kanyang opisina ay sinarado niya agad ang pinto at nilock tapos dumiretso sa mahabang lamesa. Napatingin naman ako sa magkahawak naming kamay, Dang! Ang tibok ng puso ko. Scarlett Louise this is wrong! Dapat galit siya sa‘yo, Dapat hindi kayo nagpapansinan para walang maging problema. Piping saad ko sa aking isip. Napaangat ako ng tingin ng tumigil kami tapos seryosong humarap sa akin si Lucien. “Give me the food.” Wala sa sariling inabot ko ang hawak na pagkain sa kanya. Kinuha naman niya ito gamit ang isang kamay at nilapag sa lamesa. Muli akong napatingin sa kamay naming magkahawak pa rin. Wala ba siyang balak na binatawan ang kamay ko? Nakalimutan niya ata? Nang ibaling ko ang tingin sa kanya ay abala na ito sa paglalabas ng pagkain na binili ko gamit ang isang kamay. Dahil hindi na ako makatiis ay tumikhim ako at nagsalita. “Ahem, Sir ‘yung kamay ko baka pwede niyo ng bitawan? Ako na rin ang mag aayos ng pagkain.”
“Yes, Sir Aidan?” Oo ang ama ni Lucien na naman ang tumawag at alam ko na ang dahilan ng pag tawag nito. Inaasahan ko naman na pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis. “Louise, magkasabay daw kayo kumain ni Lucien kanina? Ano ang pinag-usapan niyo?” Deretsong tanong nito. Jeez. Sabi na e! “Yes, Sir Aidan pasensya na ho kayo at wala akong nagawa kanina dahil nagpumilit ang anak niyo. Hindi naman ho kami masyado nag-usap kanina. Tinanong at kinamusta lang naman niya ang naging bakasyon ko. Iyon lang ho.” Seryoso kong sagot. “Good, nasaan ka ngayon? Still in the office ni Lucien?” Natigilan naman ako. Sh*t, alam na din pala niya. Napaka bilis dumating ng balita sa kanya. Ibig sabihin may mga mata siyang nakasubaybay sa bawat galaw ko. Huh! Bantay sarado din pala ako? Wow! “Yes Sir, Sinunod ko lang ang gusto ng anak niyo. Sabi niya ay uuwi na daw kami pag natapos ang meeting niya.” “I know, I know. Alam kong pina-cancel ni Lucien ang dalawang meeting niya. Iyan ang dahila