SCARLETT NAPAKABILIS dumaan ng araw bukas ay balik na ulit ako sa mansyon para ipagpatuloy ang pagiging bodyguard ko kay Lucien. Napabuntong hininga ako saka sumimsim ng wine habang nakatingin sa city lights. Katulad ng napagdesisyonan dito ako namalagi sa condo ng dalawang araw. Hindi ako lumabas para na rin hindi magtagpo ang landas namin ni Lucien. Susundin ko kung anong gusto ni Sir Aidan. Baka isipin nito na hindi ako marunong tumupad sa usapan. Ngayon ang kinababahala ko kung anong madadatnan kong Lucien bukas. Siguradong galit na galit na siya sa akin dahil hindi ako tumupad sa usapan. Baka maski tingin ay hindi na nito gawin sa akin sa sobrang galit o pagkamuhi. Sabagay mas maganda na rin na ganito na kamuhian niya ako o magalit siya ng sobra sa akin. Atleast madali niyang matatanggap ang pag-alis ko oras na matapos na ang misyon ko. Ilang minuto pa akong nagmuni-muni bago napagpasyahan na matulog na dahil maaga pa akong bibiyahe pabalik ng mansyon ng mg
SCARLETT PAGKARATING sa kompanya mabilis akong bumaba sa sasakyan para pagbuksan ng pinto si Lucien. Walang emosyon siyang bumaba saka dire-diretsong pumasok sa loob. Napabuga na lang ako ng hangin saka inabot sa staff na naghihintay ang susi para iparada ang sasakyan sa parking tapos ay mabilis na bumuntot sa likuran ng lalaki. Tama nga sila Thunder mas malamig makitungo ngayon si Lucien. Sabagay hindi ko naman siya masisisi. Sumira ako ng usapan, umasa siya na ako na ulit ang magbabantay sa kanya pero binigo ko siya. Sumusunod lang ako sa utos. Pagkarating sa opisina niya, katulad ng dati ay sa labas na ako naghintay. Walang lingon-lingon siyang pumasok sa loob ng opisina niya at sinarado ang pinto. Bumuga na lang ako ng hangin saka na-upo sa waiting area. Mukhang katulad ng dati mabuburyo ako maghapon dito. Hanggang sumapit ang tanghalian, balak ko sanang makisuyo sa isa naming tauhan na bilhan ako ng lunch ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Lucien at niluwa
PAGKASAKAY sa elevator ay agad akong sumandal. Hanggang kailan ba ako mag-titiis sa lahat ng ito? Sa dinami-rami ng misyon na nahawakan ko ito lang ang tumagal ng ganito at napaka-kumplikado. Sa una pa lang talaga mali na nakipag close ako sa mga Saavedra dahil sa kanila naging komplikado ang lahat, higit sa lahat masyado na akong na-attach sa kanila. Kasalanan ko rin dahil nagpabaya ako. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa floor kung nasaan ang opisina ni Lucien. Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay napatigil din agad ako dahil isang komusyon ang bumungad sa akin. Akala ko matiwasay na ang aking pag-akyat pero mali pala ako. Parang mas sakit sa ulo ang aking nadatnan. Naabutan ko lang naman na nag-sasagutan si Lucien at Night habang awat-awat ni Thunder at Crystal. Jeez, ano na naman ba ang nangyari? Nawala lang ako saglit may ganito na agad. Nang mapansin kong mas lalong nag kakainitan si Night at Lucien ay mabilis na akong naglakad palapit sa mga it
SCARLETT PAGPASOK na pagpasok namin sa kanyang opisina ay sinarado niya agad ang pinto at nilock tapos dumiretso sa mahabang lamesa. Napatingin naman ako sa magkahawak naming kamay, Dang! Ang tibok ng puso ko. Scarlett Louise this is wrong! Dapat galit siya sa‘yo, Dapat hindi kayo nagpapansinan para walang maging problema. Piping saad ko sa aking isip. Napaangat ako ng tingin ng tumigil kami tapos seryosong humarap sa akin si Lucien. “Give me the food.” Wala sa sariling inabot ko ang hawak na pagkain sa kanya. Kinuha naman niya ito gamit ang isang kamay at nilapag sa lamesa. Muli akong napatingin sa kamay naming magkahawak pa rin. Wala ba siyang balak na binatawan ang kamay ko? Nakalimutan niya ata? Nang ibaling ko ang tingin sa kanya ay abala na ito sa paglalabas ng pagkain na binili ko gamit ang isang kamay. Dahil hindi na ako makatiis ay tumikhim ako at nagsalita. “Ahem, Sir ‘yung kamay ko baka pwede niyo ng bitawan? Ako na rin ang mag aayos ng pagkain.”
“Yes, Sir Aidan?” Oo ang ama ni Lucien na naman ang tumawag at alam ko na ang dahilan ng pag tawag nito. Inaasahan ko naman na pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis. “Louise, magkasabay daw kayo kumain ni Lucien kanina? Ano ang pinag-usapan niyo?” Deretsong tanong nito. Jeez. Sabi na e! “Yes, Sir Aidan pasensya na ho kayo at wala akong nagawa kanina dahil nagpumilit ang anak niyo. Hindi naman ho kami masyado nag-usap kanina. Tinanong at kinamusta lang naman niya ang naging bakasyon ko. Iyon lang ho.” Seryoso kong sagot. “Good, nasaan ka ngayon? Still in the office ni Lucien?” Natigilan naman ako. Sh*t, alam na din pala niya. Napaka bilis dumating ng balita sa kanya. Ibig sabihin may mga mata siyang nakasubaybay sa bawat galaw ko. Huh! Bantay sarado din pala ako? Wow! “Yes Sir, Sinunod ko lang ang gusto ng anak niyo. Sabi niya ay uuwi na daw kami pag natapos ang meeting niya.” “I know, I know. Alam kong pina-cancel ni Lucien ang dalawang meeting niya. Iyan ang dahila
“We’re only friends,” Mahina niyang usal. Hindi naman ako kumibo. “Magkaibigan lang kami ni Crystal, mas naging malapit lang kami nitong mga nakalipas na araw dahil kay Dad.” Sambit pa ulit nito. Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa inamin niya pero bigla naman pumasok sa isip ko ang mga pinag usapan namin ng kanyang ama. D*mn! “Pero hanggang doon na lang, hanggang kaibigan na lang ang kaya kong ibigay kay Crystal, So, whatever dad is doing, I hope he stops. I only see Crystal as a friend, nothing more.” Nang humarap siya sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin, Mali ito dapat magkabalikan silang dalawa dahil iyon ang gusto ni Sir Aidan, Iyon ang gusto niyang ipagawa sa akin ang mapaglapit ang dalawa at maging okay. Kahit labag sa kalooban ko kailangan kong gawin dahil nangako ako. Saglit na katahimikan ang namayani sa amin. “Let’s go Louise, hindi na ako babalik sa loob. Umuwi na tayo.” Turan niya pero hindi ako kumilos bagkus hinarap ko siya saka
Hinatid ko pa sila ng tingin bago nagpasyang pumasok sa loob ng kotse. Walang imik kong binuhay ang sasakyan at pinaandar. Habang nasa biyahe kami ay panaka-naka akong tumitingin sa rear mirror para silipin ang dalawa sa likod. Napapaiwas ako ng tingin kapag nakikita ko ang ginagawang panglalambing ni Crystal kay Lucien. Habang ang lalaki naman ay tipid lang ngumingiti. Nag-uusap din sila pero mas maraming kwento ang babae. Habang tumatagal hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman habang kasama ko silang dalawa, Parang may tumutusok sa aking dibdib. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Dang! Ano ba Scarlett focus! Huminga ako ng malalim bago nag focus sa pagdadrive. Hindi na ako nag aksayang sulyapan ang dalawa sa likod. Naririnig ko na lang ang hagikgik ni Crystal. Seryosong seryoso ako sa pagmamaneho ng maalala ko kung saan ba namin ihahatid si Crystal? Hindi ko natanong kanina. Tatanungin ko na lang ngayon, tsk. Tumingin ako sa rear mirror at akmang magtatanong ng sumak
KINABUKASAN Maaga akong nagising para mag-asikaso at makakain. Nakatulugan kona lang pala ang pag iisip. Pati pagkain ng hapunan ay hindi ko na nagawa. Buti na lang pala kahit papaano nakakain ako ng konti noong naghihintay ako kela Lucien kagabi. Mabilis akong naligo at nag-ayos tapos dumiretso sa kusina para mag-umagahan. Gusto ko ring umiwas sa mga tanong at pabor ni Sir Aidan. At higit sa lahat ayoko sila makasabay kumain. Sa dami ng mga nangyari kahapon akala ko sa backseat uupo si Lucien pero sa passenger seat pa rin ito umupo. Blangko lang ang mukha nito habang busy sa kanyang ipad, hindi katulad kahapon na ramdam ko ang panlalamig niya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at nag focus na lang sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa kompanya, nakabuntot lang ako sa lalaki. Mas ok na ganito siya kesa kung ano-anong lumalabas sa bibig niya. Didiretso na sana ako sa waiting area para doon maghintay ng biglang huminto si Lucien sa paglalakad patungo sa