Share

Chapter 4

NANG MATAPOS siyang magligpit sa kusina ay nagpahinga muna siya sandali. Hindi kasi siya sigurado kung saan umiinom ang magaling niyang asawa. Hindi na rin naman ito bumalik matapos kumuha ng dalawang bote ng alak. Tama pala ang sinabi ni Nanay Marissa na hayaan niya lang daw ang mga alak sa refrigerator dahil magagalit raw ang asawa niya kapag nawala 'yun don. Binilinan pa siyang i-refill kapag malapit ng maubos. I*****k niya pa sa baga ng asawa lahat ng alak para maging tao. Napa-irap na lang siya sa hangin.

"Sana dun siya sa kwarto niya uminom," piping dasal niya.

Nagdesisyon na siyang lumabas para makapag pahinga.

Pero mukhang hindi umepekto ang kanyang piping dasal. Dahil ang magaling niyang asawa ay prenteng nakaupo sa sofa habang tinutungga ang hawak na beer.

Dahil nakita na siya nito ay wala na siyang nagawa kung di ituloy ang pagpunta sa kanyang silid.

Nakayuko siyang dumaan sa likuran nito. Ngunit ng maalala ang nais itanong ay napahinto siya saktong nasa dulo na siya ng sofa.

Iniisip niya kung paano ba ang tamang pagtawag sa asawa. Kasi sa iba may mga endearment na ginagamit.

'Sige subukan mo, kung di mag-ala tigre na naman siya'

Napangiwi siya sa naisip. Hindi nga pala sila in good terms para gumamit ng endearment.

"Hy-hycent," tawag niya sa asawa at nakagat niya ang ibabang labi dahil sa takot o hiya? Basta 'yun na 'yun.

Umigting ang panga ni Hycent. Nanatiling nakatingin sa television ang mga mata. Hindi man lang siya nilingon o nagrespond. Bingi lang?

Bubuka niya sana muli ang bibig upang muli itong tawagin nang tumayo ang asawa at humarap sa kanya. Kasama na naman nito ang masamang ispirito dahil ang dilim ng mukha at magka salubong ang mga kilay.

"Don't you really get it? I.Don't.Like.To.Be.Disturb!" madiin nitong bigkas na tila gusto na rin siyang ibaon sa pamamagitan ng tingin nito na nakakatakot.

"I-I need to talk to you, please," pagmamakaawa niya. Kailangan niya na kasi makausap ng masinsinan ang asawa bago pa siya masiraan ng bait.

He crossed his arms over his broad chest. Aaminin naman niya na talagang ang lakas ng dating ng asawa niya. Unang silay pa lang niya dito ay may kakaiba ng epekto sa kanya. At ang kaalaman na asawa niya ito ay mas nagbigay sa kanya ng kasiyahan kahit na tila pasakit lamang ang hatid nito sa kanya.

I-I want to see my son," sa wakas ay nasabi niya rin sa kabila ng panginginig ng kanyang mga kamay dahil sa pagkakatingin ng asawa sa kanya na tila tumatagos sa kanyang kaluluwa.

"Come again?"

Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan kahit wala naman.

"I want to see my son, please." Sinalubong niya ang tingin ng asawa. Umaasa na pakinggan nito ang kanyang hiling.

"You remembered about him?" may pagdududang tanong ng asawa.

Binawi niya ang tingin mula rito. Hindi na niya kasi kayang salubungin pa ang talim ng mga tingin nito.

"Tita Nora and Nanay Marissa told me about our son," paliwanag niya habang nanatiling nakayuko.

Wala siyang narinig na sagot bagkus ay ang pagbubukas ng bote ng alak. Kaya naman napaangat siya ng tingin para lang malukot ang mukha dahil nakabalik na pala ang asawa sa pagkakaupo sa sofa.

"Hycent!" sigaw niya na maging siya ay ikinagulat kaya mabilis niyang natakpan ang bibig. At nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kung dati ay madilim lang na mukha nito ngayon talagang signal number four na yata sa dilim.

Tumayo si Hycent at nagsimulang humakbang palapit sa kanya. Kaya naman napaatras din siya. Sa bawat hakbang ng asawa ay ang atras naman niya.

Hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pader sa likuran niya. Wala na siyang malulusutan. Pero, tumigil na rin sa paghakbang ang asawa at matiim siyang tinitigan.

"Don't you dare shout at me at my own place! Who do you think you are?"

"I'm your wife!" di niya na pigil ang sumagot.

Tumaas ang kilay ni Hycent at nakakalokong ngumiti na tilang may nakakatawa sa sinabi niya.

"My wife? Huh? Last time I checked, you abandoned us, is that make you still my wife?"

Napaawang ang bibig niya sa narinig.

She abandoned them?

How?

Why?

"Wh-what did you say?" Baka kasi nagkamali lang siya ng rinig.

Hycent smirked. "Go to your room, now!" sigaw ng asawa niya. Pero tila siyang natulos sa kanyang kinatatayuan at ayaw gumalaw ng kanyang mga paa.

Gusto niyang malaman ang totoo. Ang kasalanang sinasabi ng asawa.

Pinilit niyang magmukhang matapang kahit sa kaloob-looban niya ay nais na niyang makatakas sa matatalim na tingin ng asawa. Para sa ikatatahimik ng isip niya.

"You said you're my husband but you're not acting as one. Hindi ko naman kasalanan na wala akong maalala. Bakit hindi mo ipaalala sa akin tutal lagi mong ipinapamukha sa akin na may kasalanan ako sayo. Now, tell me, what is it?" buong tapang niyang tanong sa asawa.

Mas lalong dumilim ang mukha nito. Kasing dilim ng gabi, parang anumang oras ay handa siyang saktan nito. Pero mali siya, matapos siyang bigyan ng isang nakamamatay na tingin ay tinalikuran siya nito.

Maging siya ay nagulat ng bigla niyang hawakan ang braso ng asawa upang pigilan ito sa pagtalikod. Mabilis din niyang binawi ang kamay dahil sa parang kuryenteng naramdaman na dumaloy sa kanyang buong braso.

Muling humarap ang asawa sa kanya. Sa pagkakataong ito ay seryoso lang ang mababakas sa mukha nito. Mas malinaw-walang emosyon. Hindi katulad kanina na bakas ang matinding poot.

"Don't worry, Pearl. I will make you remember everything, especially what you did to us!" may diing sambit niya. "Don't force yourself, diba nga ang sabi ni Tita Nora, hindi makakabuti sayo ang ma-stress. Mag-u-umpisa pa lang tayo sa kaparusahan mo. Now, go to your room and don't disturb me." Tuluyan na siyang tinalikuran ng asawa at bumalik sa pagkakaupo sa sofa.

Huminga siya ng malalim at sinulyapan muna ang asawa na abala na sa cellphone nito kapagkuwan ay nagdadabog siyang pumasok sa kanyang silid.

Nasundan naman ni Hycent ng tingin ang asawang nagdadabog na pumasok sa silid at muli ay nagdilim ang mukha nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status