Share

Chapter 3

ISA-ISA niyang kinuha ang mga damit na nasa built-in cabinet. Mabilis ang mga kilos niya kahit nanghihina pa siya dahil sa sagutan nila ng asawa.

Gusto niya pa ring makausap ito at itanong ang tungkol sa anak nila. May karapatan naman siguro siyang malaman ang kalagayan ng anak.

Nang masigurong nakuha na niya ang lahat pati na rin ang gamit sa banyo ay inilagay niya ang mga ito sa isang laundry basket. Hindi naman madami ang damit niya.

"Open this f*cking door!" Napapitlag siya ng marinig ang malakas na sigaw ng asawa at ang pagkatok nito na kulang na lang ay sirain ang pintuan.

Nagmamadali siyang lumapit sa pintuan at binuksan iyon. Muntik pa siyang mahagip ng bigla itong itulak ng asawa.

"Why do you need to lock the door?" bulyaw ng kanyang asawa.

"Im-im sorry hindi ko na-napansin na nai-"

"Bullshit!" putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Nilagpasan siya ng asawa dahilan para magpakawala siya ng isang malalim na hininga.

His really mad at her. Bakit nga kasi?

Nagulat na lang siya ng makitang binalibag ng asawa ang laundry basket na pinaglalagyan ng kanyang mga gamit sa labas ng kwarto.

"Ba-bakit mo naman itinapon. You could asked me to-"

"Get out!" putol nito sa kanya.

Alam niyang kailangan niyang habaan ang pasensya niya pero tama pa ba ang ginagawa ng asawa?

"What? I said get out and cook!" bulyaw nito muli.

Naikuyom na lang niya ang kanyang kamao at tinalikuran na ang asawa.

Pinulot niya ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Gusto niyang maiyak sa trato ng asawa. Mali bang sumama siya rito? Pero wala naman siyang ibang pupuntahan.

"Magluto ka. Wala na si Nanay Marissa kaya walang gagawa ng mga gawain dito kungdi ikaw. Kung dati...I make you the queen of the house, then now, learn to know your place." Pagkasabi no'n ay malakas na ibinagsak ng asawa ang pintuan pasara.

Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Tao lang din naman siya, nasasaktan. Kasalanan niya ba kung wala siyang maalala? Kasalanan niya ba kung hindi niya maalala kung anuman kasalanan sinasabi nito?

Ilang minuto siyang nakasalampak sa sahig at nakatingin lamang sa mga gamit na nakakalat.

She needs to find out! Hindi pwedeng ganito na lang at hayaan niyang itrato siyang parang basahan. Kung may nagawa man siyang kasalanan hindi sapat 'yun para parusahan siya ng ganito.

PATAPOS NA SIYANG magluto na inabot rin nang isang oras. Mabuti na lang talaga at nagpaturo siya kay Nanay Marissa at nakapagtanong sa kung ano ba ang paborito ng asawa. Kaya naging madali sa kanya ang magdesisyon sa kung ano ang lulutuin.

Hindi niya alam, pero parang sanay na sanay ang mga kamay niya sa pagluluto na maging si Nanay Marissa ay nagulat. Sabi nito nagluluto naman daw siya noon lalo na pag nagrequest ang asawa niya.

Pero, handa na daw lahat ng sangkap at isasalang lang. Dahil hindi niya raw gusto ang nagtatagal sa kusina.

Binalewala na lang niya ang bagay na 'yun dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang magpapasakit sa ulo niya. Isa lang ang nais niya sa mga oras na 'yun. Ang masilayan ang sinasabi nilang anak niya.

Sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya napansin ang kanyang asawa na nakasandal sa may hamba ng pintuan habang matiim na nakatitig sa kanya.

"I'm hungry-"

"Ay kabayong buntis!" tili niya ng magulat sa biglang boses na nagsalita.

Dahan-dahan siyang humarap at napakagat labi ng makita ang seryosong mukha ng asawa na nakacross arms habang nakatingin sa kanya.

"What did you say?"

"W*-wala. Tapos na ito, upo ka na. Ihahain ko lang." Mabilis siyang kumuha ng dalawang Plato at inilagay sa lamesa.

"Bakit dalawa?" masungit na tanong ng asawa.

"For you and for me." Ginamit niya pa ang hintuturo upang ituro ang asawa at ang sarili.

Tumaas ang kilay ni Hycent. "And who told you that I want to eat with you? Remove that one. Eat after me." Pagkasabi no'n ay parang hari itong umupo sa trono.

Tipid siyang ngumiti at iniligpit ang isang plato na para sa kanya sana. Sinimulan niyang ihanda ang pagkain ng asawa.

"Ang sabi ni Nanay Marissa, paborito mo raw ang nilagang baboy kaya 'yun ang niluto ko," sabi niya habang inilalapag ang isang may kalakihang mangkok. "Ayan, okey na. Kain ka na. Sana magustuhan mo."

"Where are you going?" tanong nito ng akmang lalabas siya ng kusina.

"Sa kwarto ko. Tawagin mo na lang ako pagkatapos mong kumain."

"Stay."

Naipilig niya ang ulo sa sinabi nito. Gusto niya bang manatili siya upang panoorin niya itong kumain. Ganito ba kasama ugali ng asawa niya.

'Baka naman naging ganyan dahil may ginawa kang kasalanan' tugon ng isip niya.

Dahil ro'n ay umayos siya ng tayo sa gilid ng asawa. Kung tutuusin ay parang hindi naman asawa ang lagay niya. Kung hindi lang nito iginigiit na may malaki siyang kasalanan ay hindi niya hahayaan api-apihin siya ng ganito.

"Stop looking at me!" galit na naman na sita ng asawa niya. Napairap na lang siya.

Saan kaya nito gustong tumingin siya?

Napipikon na talaga siya, eh.

Hindi niya alam pero muli niyang ibinalik ang tingin sa asawa. Mukhang nagustuhan nito ang kanyang niluto dahil nangangalahati na nito ang sinandok.

"Mabuti naman at nagustuhan mo," di niya napigilang isatinig.

Napatigil naman si Hycent ng ilang minuto at muling pinagpatuloy ang pagkain.

"Hycent," mahinang tawag niya dahil mukhang nasa mood na ang asawa.

Muling natigilan si Hycent...Nagtagis ang panga nito at muling dumilim ang mukha.

Gustong niyang pagsisihan ang pagtawag rito dahil bumalik na naman ang masamang ispirito na nakatira sa katawan ng asawa.

Napapitlag siya nang malakas na ibinagsak ni Hycent ang kubyertos sabay tayo.

"Ang pinakaayaw ko ang iniistorbo ako habang kumakain!" Masama siya nitong tinignan kaya napaatras siya lalo na ng makita niya kung paano nito ikinuyom ang mga kamao na tila gusto siyang saktan.

"Sa susunod, ayusin mo magluto. Walang lasa!" Mabilis na naglakad palabas ang asawa niya.

Napakunot naman ang kanyang noo at nalipat ang tingin sa plato nito na halos wala ng laman. Tapos, sasabihin na walang lasa. Ano 'yun joke?

Sa inis niya ay umupo siya sa iniwanan nitong pwesto at nagsimulang kumain sa iniwanan ding plato, gamit din niya ang ginamit nitong kubyertos. Ano naman ngayon? Mag-asawa sila diba?

"Masarap naman, ah!" bulong niya sa sarili habang sumusubo. Nagpatuloy siya sa pagkain. Bawal mag-aksaya ng pagkain at marami ang nagugutom sa panahon ngayon.

Naiwan sa ere ang pagkain isusubo ng magsalubong ang mga mata nila ng asawa na nakatayo na sa dulo ng mesa.

Pero imbes na mahiya ay itinuloy niya ang pagsubo. Nagugutom siya, bakit ba?

Ibinalik niya ang atensyon sa pagkain. Sa kanyang peripheral vision ay nakita niyang nagtungo ang asawa sa refrigerator at kumuha ng dalawang bote ng beer.

Hinihintay lang naman niyang utusan siya nito pero hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin ay wala naman masamang nangyari maliban sa matatalim nitong tingin.

Napabuga siya ng hangin at napahawak sa kanyang dibdib. Bakit pakiramdam niya ay anumang oras ay aatakehin siya sa puso dahil sa asawa.

Bago pa siya maloka ay tinuloy na niya ang pagkain ng masarap niyang luto na nilait lang ng g*go niyang asawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status