Share

Chapter 2

DALAWANG ARAW NA siyang nasa condo ng nagpakilalang asawa niya. Pero ang pinagtataka niya bakit hindi ito umuuwi. Tanging si nanay Marissa lamang ang kasama niya. Wala rin naman maisagot si nanay kung nasaan ang among lalaki. Gusto niya rin sana itanong kung may anak sila tulad ng nabanggit ng doktora. Paano niya magagawa kung basta na lamg siya iniwanan rito.

Nang magising siya at makausap niya ang doktora. Malinaw ngang asawa niya ang lalaking hindi man lang marunong ngumiti.

Ayaw niya man sumama rito dahil nakakatakot ang awra nito pero wala siyang magawa dahil tanging ito lamang ang kanyang pamilya. Napag-alaman niya rin na ulilang lubos na siya kaya ano pa magagawa niya kungdi magtiwala rito kahit parang ang hirap. Lalo na sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay tila gusto siya nitong ibaon sa ilalim ng lupa.

Gusto niyang maalala kung sino ba talaga siya. Pero sa tuwing tatangkain niya ay sumasakit ang kanyang ulo. Sabi ng doktora kusa daw babalik ang mga alaala niya. Maybe weeks, months, walang nakakaalam pero huwag naman sana umabot ng taon.

Nabalik siya sa kasalukuyan ng marinig niya ang boses ng taong gusto niyang makita. Nagmamadali siyang nagpunta sa sala mula sa kusina.

Nagsalubong ang kanilang mga mata at tulad ng dati, siya ang unang bumabawi ng tingin dahil sa natatakot siya rito. Diba dapat hindi siya matakot kasi asawa niya ito? Pero bakit ganun? Kabaligtaran ang nararamdaman niya.

"I think your fully recover. We don't need Nanay Marissa." Bumaling ang asawa niya kay nanay Marissa. "Balik na po kayo sa bahay."

"Sige, iho." Naglakad na si Nanay Marissa patungo sa inuokupa niyang silid siguro ay para mag-empake.

"Pagkaalis ni Nanay Marissa, ilipat mo ang mga gamit mo sa kwartong niya."

Nasundan niya na lang ng tingin ang asawa na pumasok sa silid na tinutuluyan niya.

Bakit niya kailangan lumipat?

Hindi sa gu-gusto niya magkatabi sila, pero..

Naguguluhang sinundan niya ang asawa sa silid.

Pagkabukas niya ng pinto ay napasigaw siya at napatakip sa kanyang mukha.

"Bakit ka n*******d? Ma-magdamit ka nga!" nahihirapan niyang sambit. Hindi pa rin inaalis ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha.

"Feeling virgin?" Puno ng sarkasmong sabi ng asawa at sunod niyang narinig ay ang pagsara ng pintuan.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa mukha. Nang marinig ang lagasla ng tubig sa banyo ay tuluyan na niyang inalis ang mga kamay sa mukha niya.

Huminga siya ng malalim bago napatingin sa pintuan ng banyo.

Naguguluhan siya. Bakit ganun na lang kung tratuhin siya ng asawa?

May ginawa ba siyang mali bago siya naaksidente?

Napahawak siya sa kanyang ulo ng makaramdam ng kirot.

Bago pa lumala ang sakit ng ulo ay nagdesisyon na muna siyang lumabas at baka lumabas pa ang asawa ng walang saplot.

Nagkasabay pa sila ni Nanay Marissa sa pagbukas ng pintuan. Magkatabi lang kasi qng dalawang kwarto.

"Nanay, sama na lang po ako sa inyo," nakanguso niyang sambit.

"Ay, iha, hindi pwede. Baka malintikan tayo kay Hycent." Naglakad na ito patungo sa sala na sinundan naman niya.

Tumabi siya rito at inilingkis ang mga braso sa braso ni nanay Marissa. Sanay na siya maglambing rito. Nung una nagulat pa ito sa ginawa niya. Ang sabi niya nanibago lang daw ito dahil 'yun daw ang unang beses na naging ganun kalapit siya rito.

Mas lalo tuloy siya nacu-curious sa kung sino ba siya dati? Mataray ba siya? Masama ugali? Malandi? Ay, grabe, hinusgahan ang sarili.

Ilang minuto silang nanatili sa ganung ayos hanggang sa marinig nila ang pagbukas ng silid hudyat na may lumabas. At iisang tao lang naman 'yun.

"What are you doing?" Hindi niya pinansin ang tanong ng asawa bagkus mas isiniksik pa ang sarili kay Nanay Marissa na ikinakunot lalo ng noo ni Hycent.

"Iha, aalis na ako baka gabihin ako. Ikaw talaga," natatawang awat ni Nanay Marissa sa kanya.

"Sama na lang po kasi ako sa inyo. Saan po ba kayo pupunta? Sa anak ko? Gusto ko po siya makita-"

"Nanay Marissa, sige na po. Nasa baba na si Mang Nomer." Putol ng asawa niya sa iba pa niyang sasabihin.

Kahit ayaw niyang pakawalan si Nanay Marissa ay wala siyang nagawa. Parang gusto niya maiyak habang sinusundan ito palabas. Nang tuluyang makalabas si Nanay Marissa ay hindi niya alam kung ano ba ang iaakto sa harap ng nasabing asawa niya.

"Ano pang tinatanga mo dyan? Ilipat mo ang mga gamit mo!" Napatayo siya dahil sa sigaw nito.

Gusto na niyang maiyak.

"What? Are you going to cry? Do you think you can use your f*cking tears to fool me again?" Puno ng galit ang bawat salitang binigkas ng asawa niya.

Buong tapang niyang hinarap at sinalubong ang tingin nito. Gusto niya malaman kung ano ang pinaghuhugutan nito. Gusto niyang malinawan.

"Why do I feel that...you hated me?" buong tapang niyang tanong habang makahinang ang kanilang mga mata.

Nakita niyang gumalaw ang panga nito, naningkit ang mga mata. Napaatras siya. Pakiramdam niya ay nasa panganib ang buhay niya sa nag-aapoy na mga mata ng asawa.

"Don't try me, Pearl. Habang nakokontrol ko pa ang sarili ko. Don't try me! Hindi porket nakalimot ka ay makakalimutan ko rin ang iyong kasalanan. Now, go to that f*cking room and pack all your things!" bulyaw nito na ikinapitlag niya.

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang gustong kumawala sa kinalalagyan nito. Natatakot siya. Paano kung.. Kung..

"Don't overthink, dahil hinding-hindi ko dudumihan ang aking mga kamay kung iniisip mo na balak kitang patayin. Dead is not enough. Ipapatikim ko sayo ang impyernong pinagdalhan mo sa akin!"

Napalunok siya nang ilang beses dahil sa diin ng bawat salita nito. Binawi niya rin ang tingin mula rito. Para kasing tumatagos ang tingin nito sa kanya.

Gusto na niyang sundan si Nanay Marissa ngunit alam niyang imposible lalo na kung ang nasa harapan ay isang tigre na anumang oras ay handa siyang gawing biktima.

"What are you waiting for? Get out of my sight!"

Mabilis niyang nilampasan ang asawa ang malalaki ang hakbang na pumasok sa kwarto.

Nang maisara niya ang pintuan ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Natatakot siya. Sobrang natatakot siya sa kung ano nga ba ang kayang gawin ng asawa sa kanya. Ano ba kasi ang nagawa niya para kamuhian siya ng ganun ng asawa.

Napatigil siya at tila isang ideya ang pumasok sa kanyang isip. Ideyang maging siya ay hindi gugustuhin.

"No! No! Hindi!" pangungumbinse niya sa sarili.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Siting Crisostomo
ano naman kc kasalanan niya...huhuhu(crying emoji)
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status