Share

Makasalanang Mukha
Makasalanang Mukha
Author: Switspy

Chapter 1

UNTING-UNTI niyang iminulat ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nanggaling siya sa isang napakahabang tulog.

Nang tuluyan niyang naibukas ang mga mata ay muli niya rin naipikit dahil nasilaw siya sa liwanag. Mali, mukhang nanibago siya.

"Okey lang 'yan. Nanibago ka lang. Subukan mo ulit, iha," rinig niyang sabi ng isang boses ng babae.

Ginawa niya naman ang sinabi nito. Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata sa mabagal na paraan. Hanggang sa may naaaninag na siya. Ilang beses pa siyang kumurap-kurap upang sanayin ang kanyang mga mata.

"Your doing good," muli niyang narinig ang boses kanina. Kaya naman napalingon siya sa pinanggalingan ng boses.

Isang may-edad na babae na nakasuot ng puting coat. Palagay niya ay isa itong doctor.

"You see me?" tanong nito.

Imbes na sumagot ay tanging tango lamang ang kanyang naisagot. Ewan niya ba, para kasing hindi niya pa maibuka ang kanyang bibig.

"May masakit ba sayo? Ano nararamdaman mo?"

Pinakiramdaman niya ang sarili ng muli itong magtanong sa kanya. Sa ngayon, wala naman siyang kakaibang nararamdamn kungdi tila siya nanghihina.

"Tu-tubig," naisambit niya bigla.

Bago pa makaalis ang doktora sa tabi niya ay may nag-abot na ng isang bottle water. Itinaas niya ang kanang kamay kahit na nanghihina ito upang abutin ang tubig. Ni hindi niya magawang tignan ang may-ari ng malaking kamay.

Bago pa niya maabot ang tubig ay nakita niyang binuksan 'yun at ito na ang nag-abot sa kanyang kamay.

Dahil talagang uhaw siya ay hindi niya na pinag-aksayahang tingnan kung sino ito. Diretso niyang ininom ang tubig. Bago niya tuluyan inumin ang tubig ay narinig niya ang doktora na sinabihan siyang huwag damihan at tanging basain lamang ang kanyang lalamunan. Kahit uhaw na uhaw ay sinunod niya ang sinabi nito. Nakaramdam siya ng kaginhawaan.

Napadako ang tingin niya sa bandang harapan. Napakunot noo siya ng makita ang isang napakagwapong likha ng Diyos na preteng nakatayo sa paanan ng kinahihigaan niya.

"Who are you?" tanong niya rito, na ikinasalubong ng mga kilay nito. Nakita niya ang nakakatakot na awrang biglang pumaligid rito.

Pero ang nakaagaw ng pansin sa kanya ay wala siyang maalala.

"Na-nasaan ako? Si-sino ako?" muli niyang tanong at nagsimula na siyang magpanic. "Si-sino kayo?" muli niyang tanong. Nanginginig ang kanyang kamay at halata 'yun dahil sa hawak niyang bottle water.

"Iha, what's happening?" Natatarantang tanong sa kanya ng doktora. Kinuha nito ang hawak niya at ibinigay sa katabi nitong nurse.

Hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay. Habang siya ay muling nabalik ang tingin sa lalaking bakas na ang pagkalito sa mukha nito.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay kitang-kita niya ang poot sa mga 'yun.

"Urgh!" d***g niya at napahawak siya sa kanyang ulo. "Ma-masakit! Ah!" patuloy niyang d***g.

Naramdaman niya na lang na may itinurok sa kanya at ang sumunod ay unti-unting pagpikit ng kanyang mga mata.

NAGISING SIYA dahil sa ingay na naririnig. Inisip niya kung ano ang nangyari. Nang maalala niya ang huling eksena bago siya nakatulog ay muli na naman siya napaisip. Gusto niya ulit magwala, gusto niya magtanong ngunit naagaw ng atensyon niya ang malakas at galit na tinig.

"Sigurado ba kayo rito? Check it again? Baka nagpapanggap lang siya?" bakas ang galit sa boses nang nagsalita. Buong-buo at nakakatakot.

"Mr.Bustamante, malinaw na malinaw ang resulta ng mga tests na ginawa. Your wife was suffering into dissociative amnesia. Like she don't remember anything."

Natigilan siya ng marinig ang sinabi ng doktora lalo na ang salitang 'wife'.

A-asawa niya ang lalaking 'yun? Pero bakit galit ito sa kanya? Nagpasya na siyang imulat ang kanyang mga mata.

Napadako ang tingin niya sa dalawang tao sa kanyang paanan. Napansin siya ng doktora kaya agad nitong ipinaalam sa lalaki na kung di siya nagkakamali ay 'asawa niya'.

"Finally, your awake. Calm yourself, iha. We can't solve this if you will not cooperate with us," malumanay na sambit ng doktora.

Tahimik lang siyang tumango. Iniiwasan niyang mapatingin sa lalaking nakatayo at ramdam na ramdam niya ang matatalim na tinging pinupukol nito sa kanya.

"What is your name, iha?" untag sa kanya ng doktora kaya nabalik siya sa sarili.

Tinignan niya ito na ngayon ay nasa kanyang tabi na. Nakatingin rin ito sa kanya at mukhang naghihintay ng kanyang isasagot.

"I..I..don't...know," mabagal niyang sabi. Hindi nga naman niya kasi maalala kung sino siya. Muli ay gusto na naman niya magwala pero pilit pinapakalma ang sarili. Tama ang doktora, walang mangyayari kung magwawala siya.

"May kahit anong naaalala ka ba? kahit ano, o pangalan ng mga tao," muling tanong ng doktora.

Napayuko siya at pilit na inaalala ang mga bagay-bagay hanggang sa mapadaing muli siya dahil sa biglang pagkirot ng kanyang ulo.

"It's okey, iha. Kalma lang, kung wala talaga huwag ipilit. Relax yourself." Hinagod-hagod ng doktora ang kanyang likuran na nagbigay sa kanya ng ginhawa.

"Bullshit!" malakas na mura ang kanilang narinig.

"Mr.Bustamante, this is not the right to act like that. The patient is not doing well, kung ganya ang ipapakita mo baka mas lalong lumala ang kalagayan niya. Hold whatever emotion you have right now!" ang matigas na pahayag ng doktora na ikinagulat niya. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito mukhang magkakilala ito at ang lalaki.

"Tell me how to hold it if I'm seeing the reason why I suffered!" puno ng galit na sambit ng lalaki.

Biglang siya nakaramdam ng takot. Pakiramdam niya ay may nagbabadyang malaking panganib sa kanya. Ni hindi niya man ito magawang tignan dahil natatakot siya.

"Look at me, Pearl. Bakit hindi mo ako matignan? Natatakot ka ba?" Napalunok siya ng marinig na tila kay lapit ng boses nito. Bigla siyang napahawak sa kamay ng doktora. Nanatili siyang nakayuko.

"Hycent, leave us alone!" madiing sambit ng doktora.

"We are not done, tita. Huwag n'yong hayaan bilugin niya ang ulo n'yo."

"Out, iho. Let me handle it."

Nang marinig niya ang mga paang papalayo ay nakahinga siya ng maluwag. Naalala niya ang tinawag nito sa kanya 'Pearl' is that her name?

"Pasensya ka na sa asawa mo, iha." Hinawakan ng doktora ang kanyang baba at itinaas ang mukha niya.

Napanatag naman siya ng makita ang maaliwalas na mukha nito. Para bang sinasabi na 'ayos lang ang lahat'.

"Pe-pearl, is that my name?" naitanong niya.

Ngumiti ito bago tumango. "Yes, iha. You are Pearl Bustamante. Your husband is Hycent Henry Bustamante. I don't really know what happened between you, two. But I'm still rooting that you fix it for the sake of your son."

Napaawang ang kanyang bibig. May anak sila? Lalaki? Ilan? Nasaan?

"Argh!" d***g niya ng muling sumakit ang kanyang ulo.

"Stop thinking too much, iha. Makakasama sayo. Take your rest first. We are still doing some examine to you. " Inalalayan siya nito na mahiga pagkatapos ay muli siya nakaramdam ng pagkaantok matapos siyang turukan ng hindi niya matukoy kung ano 'yun.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Chel Articulo
Umpisahan ko na...
goodnovel comment avatar
Hernandez Perez Jennifer
Here na sis..simula ulit mag basa..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status