Share

Chapter 5

MAAGA SIYANG nagising para ipaghanda ng almusal ang asawa. Kahit na hindi sila naging maayos kagabi ay kahit paano ay mas okey na 'yun kaysa sa hindi talaga sila nag-uusap. 

Hindi naman siya susuko na kulitin ito. Ewan niya ba basta sa kabila ng takot niya sa mga matatalim na titig ng asawa ay tila may kiliting hatid naman 'yun.

Naipilig niya ang ulo ng ma-realized kung ano-ano na pumapasok sa kanyang isipan. Kahit na asawa niya pa ito ay dapat na ilugar niya muna ang sarili kung gusto niya makita ang anak.

Pinagpatuloy na niya ang paghahanda at baka magising na ang mahal na hari. Dapat ipakita niya rin na hindi siya basta-basta maaapi ng asawa. At makita nito na handa siyang magbago o gawin ang lahat para lamang maging maayos sila.

Bawal na martir ngayon mga 'te. Kapag ayaw na sayo, e, di layasan mo. Joke lang! Kung tayo naman ang may kasalanan. Mas makakabuti na tayo ang magpakumbaba. 

Natatawa siya sa sariling kalokohan. Minabuti niyang ayusin na lamang ang hapag-kainan at baka magwala na naman ang alaga niyang tigre.

Saktong pagkalapag niya ng sinangag ay narinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Harold, listen to your mamita. Don't be stubborn! I have a meeting today, I will visit you soon." Narinig niyang sambit ng asawa kaya naman dahan-dahan siyang lumapit sa may pintuan ng kusina.

Nakatalikod ang asawa sa kanya habang ang kaliwang kamay ay nakapamaywang at ang kanang kamay ay nasa tainga hawak ang cellphone nito.

"Stop looking for her. She left us and she will not coming back." 

Nanlaki ang mga mata niya ng ma-realized na ang anak nila ang kausap nito. Wala siyang sinayang na oras na nilapitan ito saka inagaw ang cellphone mula sa asawa.

"Hello, anak! Si mo-mommy ito, where are you?" Naglandas ang mga luha niya ng marinig ang boses ng isang batang lalaki na umiiyak. "Anak, hintayin mo si mo-" Naputol ang sasabihin niya ng agawin ng asawa ang cellphone nito at pinutol ang tawag. 

"Bullshit!" malakas nitong mura. 

Habang siya ay nagtaas-baba ang dibdib dahil sa kaba, takot, pananabik, hindi na niya alam kung ano ba nararamdaman niya sa mga oras na 'yun.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Are you crazy?" Halos lumabas na ang ugat sa leeg ng asawa dahil sa galit nito. Nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya. 

Pero hindi na siya tatahimik. Ngayon pa na narinig na niya ang boses ng anak. Matapang niyang sinalubong ang tingin ng asawa.

"Bring me to my son!" matapang niyang turan sa asawa.

Hycent clench his teeth. He was really pissed off. "Who are you to asked me that? Anak? Pagkatapos mo siyang iwanan sa akin. Tatawagin mo siyang, anak! Hindi rin makapal ang mukha mo, 'no. Don't act like a loving mother because you are not!" 

Napakunot ang noo niya. Heto na naman sila. Nandito na naman sila sa kasalanan niya na paulit-ulit nitong ipinapamukha. 

"Whatever you said. He is still my son. Kung ayaw mo akong ihatid sa kanya, pwes, ako mismo ang hahanap sa kanya." Hinubad niya ang apron at pabalibag na hinagis sa sahig. Tinalikuran niya ang asawa at humakbang patungo sa pintuan.

"Ano ba!" Aniya ng hablutin ng asawa ang braso niya.

"Where do you think your going? Sa lalaki mo?" 

Napalingon siya sa asawa sa sinabi nito. 

Lalaki?

"Anong lalaki ang pinagsasabi mo?"

"Denying it? Bakit? Nagsawa ka na ba sa kanya? O, baka naman naubos n'yo na ang ninakaw n'yo sa akin kaya ngayon bumabalik ka para ano? Ulitin ang ginawa mo. Do you really think I'm that stupid?" Ramdam niya ang galit sa boses nito. Hindi lang basta galit kungdi poot. 

Pero wala siyang masagot sa mga sinasabi nito. 

Lalaki?

Pera?

"An-ano bang sinasabi mo?" muli niyang tanong.

Pero imbes na sagutin siya ng sawa ay hinila siya nito tungo sa kanyang silid at pabagsak na hinagis siya sa kama. Napadaing pa siya ng tumama ang bandang tuktok ng ulo niya sa headboard ng kama. Ngunit tila walang pakialam ang asawa na nanatiling matalim ang mga tingin sa kanya.

"You will not going anywhere! You f*cking stay here! Hanggang hindi ko nakikita na nagsisisi ka, na pinagbabayaran mo ang kasalanan mo. You will never leave this f*cking condo! Slut!" Pagkasabi niya no'n ay iniwanan na siya ng asawa. Malakas pa nitong ibinagsak ang pintuan.

Pinilit niyang bumangon pero napadaing siya. Napadako ang tingin niya sa braso kung saan siya hinawakan at hinila ng asawa. Namumula ito at tila nagbabadya ng pamamaga. 

Hindi na niya napigilan mamalisbis ang luha dahil sa nangyari. Kayang-kaya siyang saktan ng asawa. Napahawak rin siya sa kanyang ulo at kinapa ito. Baka kasi nasugatan. Nakahinga siya ng maluwag ng wala naman bahid ng dugo ang ulo niya.

Isinandal niya ang likuran sa headboard at tuluyan ng umagos ang kanyang mga luha. Natatakot na siya sa kung ano ang kayang gawin ng asawa sa kanya. 

Naguguluhan din siya sa sinabi nito. O, ayaw niya lang tanggapin ang ideyang pumapasok sa isip niya. 

Ang ideyang pinagtaksilan niya ang asawa at sumama siya sa ibang lalaki. Iniwan niya pati ang anak. Anong klaseng babae siya para magawa 'yun. Kaya ba ganun na lang kalaki ang galit ng asawa sa kanya. 

Masisisi niya ba ang asawa sa kung paano siya tratuhin ngayon?

Makakaya niya ba talagang ipagpalit ang asawa? 

Dahil sa nakikita niya, kung sa panlabas na itsura ang pagbabasehan. She could tell that her husband is eye-catching. Sa matipuno nitong pangangatawan, maging sa mukha ay hindi ito papahuli. Makapal na kilay, matangos na ilong, ang manipis na balbas sa may baba na hanggang sa magkabilang dulo ng ibaba ng pisngi nito and those lips. Hindi siguro ito naninigarilyo dahil mapula ang mga 'yun parang ang sarap halikan.

'Magtigil ka nga Pearl! Kung ano-ano iniisip mo! Ang isipin mo paano mo makikita ang anak mo!'

Napapikit na lang siya at hinayaan tumulo ang mga luha. 

She really wants to see her son. Baka kapag nakita niya ito ay may maalala siya kahit paano ay bumalik. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arlene Lozano
pls unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status