HINDI NA NAPIGILAN ni Reese ang pagdaloy ng luha niya pagkalabas niya sa opisina ni Hycent.Ang mga sinabi nito ay hindi niya inaasahan. Sobrang gulantang siya kanina at kung hindi pa siya aalis ay baka doon siya humagulhol ng iyak."Miss Lee, ayos lang po kayo?" Ang tanong ni Misty ang pumukaw sa kanya. Naroon pa pala siya sa pintuan. Mabilis niyang pinahid ang mga luha at pilit na ngumiti rito."Yes. I received a bad news that's why you saw me like that. I need to go." Lalagpasan na sana niya ito nang may maalala. "By the way Misty, set me an appointment to your boss as soon as possible. Call me, ok." Bumakas ang pagtataka sa mukha nito ngunit hindi na niya pinansin at tuluyan na itong tinalikuran. Masakit na masakit ang dibdib niya sa mga binitawang salita ni Hycent. Ang dami rin tanong ang nagsimula pumasok sa kanyang isipan. Mga tanong na hindi niya alam kung masasagot ba.Habang nakasakay sa elevator ay pumikit siya at ilang beses na huminga nang malalim. She needs to calm hers
HYCENT WAS FRUSTRATED. He doesn't know what to do. Gusto niyang habulin kanina si Reese at magpaliwanag pero huli na. Ang gusto lang naman niya ay maging maayos ang lahat. Hindi niya alam kung ano ang naging kasalanan niya para magdusa ng ganito. May nagawa ba siyang malaking kasalanan sa past life niya para maranasan ang lahat ng paghihirap na ito. He thought when he met her wife he was already living the best part of his life. But he was wrong, meeting Reese made him realize it. Kinakain siya ng konsensya niya. Nang malaman niya na si Reese ang babaeng nakasama sa dalawang buwan na 'yun ay may kakaiba siyang naramdaman bukod doon ay halo-halo rin ang emosyon niya. Naroon ang pagsisisi, pagtataka, galit para sa sarili niya, pangungulila at higit sa lahat ay ang isang katanungan sa isip niya. Napasigaw na lang si Hycent at napasabunot sa buhok niya dahil sa frustrasyon nararamdaman. Nang iangat niya ang ulo ay napatingin siya sa mansion na nasa kanyang harapan. Oo, nasa harap siy
DAHAN-DAHAN iminulat ni Reese ang mga mata. Pakiramdam niya ay nanggaling siya sa isang bakbakan dahil ang bigat ng pakiramdam niya.Tuluyan niyang naidilat ang mga mata. Napakura-kurap pa siya nang ilang ulit dahil sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha. Bigla siyang nagtaka dahil ang silid niya ay nakatalikod sa araw kaya hindi makakapasok ang sinag. Bigla siyang napabalikwas para lamang muling mahiga dahil sumigid ang sakit sa kanyang pagkababae. Napadako ang tingin niya roon at muli siyang natigilan nang makitang wala siyang saplot sa ilalim ng kumot. Hindi siya natutulog nang walang damit. Then a memory from last night flashed into her mind. Namilog ang mga mata niya kasabay nang paglibot nito.She was not in her room. Nasa silid siya ng rooftop. Tumingin siya sa gilid niya, wala naman siyang katabi. Nasaan ito? Kahit na nahihirapan ay bumangon siya at hinanap ang mga damit na hindi niya makita at naalala na sa rooftop niya ito hinubad. Ano ba pumasok sa utak niya at nagawa an
MALAYANG NAIPASOK NI Reese ang kanyang dila sa bibig ni Hycent dahil nakaawang ito na mukhang gulat na gulat na siya ang nakita nito pagkabukas ng pintuan. Itinulak niya ito papasok at gamit ang isang paa ay isinara ang pinto. Pinagpatuloy niya ang paggalugad sa bibig ni Hycent. Nang maramdaman niyang susuklian na nito ang kanyang kapusukan ay mabilis niyang inilayo ang mga labi rito. Nakita niya pa na hinabol nito 'yun. Pero tuluyan na siyang nakalayo rito. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito pero nawala rin at napalitan nang nakakalokong ngiti pagkatapos siyang pagmasdan mula ulo hanggang paa. At may ideya na siya kung bakit. She crossed her arms over her breast and raised her eyebrows.Bumalik ang pagtataka sa mukha nito na tumayo na rin nang maayos. "What are…you doing here?" tanong nito na tila nananantya pa.Pinagmasdan niya muna ito bago siya marahas na bumuga ng hangin. "I asked Marlon to help me to talk to you," simula niya.Kumunot ang noo ni Hycent. "Wh-what?""Sabi
NAPATULALA NA LANG SI Reese kay Hycent sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan ang mga inamin nito. "Ka-kailan pa?" Namutawi sa kanyang bibig ang katanungan sa isip niya. Ang lakas nang tibok ng puso niya. Halo-halo emosyon na rin ang nararamdaman niya. Pati yata kamay niya ay nanginginig na rin dahil sa kaba. Nasundan niya ng tingin si Hycent na mas lumapit sa kanya at nagulantang siya nang ikulong nito ang kanyang mga palad sa mga palad nito. Gusto niyang bawiin ang mga palad ngunit hindi siya makagalaw."Your trembling," mahinang usal nito dahilan upang buong pwersa niyang hilahin ang mga palad mula rito at humakbang paatras upang magkaroon ng distansya sa pagitan nila.Tumikhim siya. "Si-since when?" muli niyang tanong.Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito saka namulsa. "Just recently, two days ago," tugon nito habang matiim pa rin ang pagkakatitig sa kanya kaya naman mas lalo siya nailang. Mabilis niyang iniwas ang tingin mula rito.Ano ba dapat niyang sabihin? Alam na nito, per
HINDI PA rin makapaniwala si Hycent sa mga nalaman. Pero sa ngayon ay may mas dapat silang pagtuunan ng pansin. Sapat na sa kanya malaman na mahal rin siya ni Reese. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya. Ngunit kailangan niya muna isantabi 'yun at siguraduhin ang kaligtasan ng babaeng minamahal.Ayaw niyang isama ito pero desidido si Reese na sumama sa kanya. Kaya kahit labag sa loob niya ay pumayag na lamang siya.Magkasalikop ang kamay nilang nakasunod sa isa sa limang lalaking sumundo sa kanila sa hotel. Habang ang apat ay nakapalibot sa kanila na para bang may gagawin silang hindi maganda. Halos kalahating oras ang binyahe nila bago huminto ang sasakyan sa isang liblib na lugar. Natatakot siya hindi para sa sarili kundi para kay Reese. Baka ano ang gawin na naman ni Marlon rito. Hindi niya alam kung nakasunod sa kanila sina Arsen kahit na sinabihan na siya ni Reese na nakaplano ang lahat. Natatakot pa rin siya. Hindi para sa sarili kundi para rito.Naramdaman niya ang pa
SHOCKED was written all over Reese's face. Habang sumusunod sila sa stretcher kung nasaan si Pearl. Hindi nila nakita kung ano ang nangyari dahil naagaw ang atensyon nila sa pagpasok ng kuya niya kasama si Arsen. Nang marinig nila ang sigaw ni Marlon ay napabalik ang tingin nila rito na hawak-hawak na si Pearl na may tama sa may bandang dibdib nito. Wala silang sinayang na oras at heto nga isinugod nila kaagad si Pearl sa hospital. Isa lang ang alam niya—sinalo nito ang bala na para kay Hycent. "Pearl, please, huwag mo akong iiwan. Lumaban ka at pinapangako ko na babawi ako huwag mo lang kami iiwan ng anak natin, please." Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ni Marlon. Napaangat siya ng tingin at nakita niya ang pagtiim bagang ni Hycent at pagtalim ng tingin nito kay Marlon. Nang lingunin siya nito ay mabilis niyang binawi ang tingin at ibinalik sa kanilang harapan."Hanggang dito lang po kayo sa labas," rinig niyang pigil ng isang nurse kay Marlon nang magtangka itong
SA LOOB NG isang silid ay naroon ang anim na tao. Ang dibdib ni Reese ay napupuno ng kaba habang nakaharap sila kay Marlon. Nang magising siya ay wala sa tabi niya si Hycent at nasa isang silid siya. Nakita niya ang kuya Rohan niya at hinihintay lang pala na magising siya.Nabalitaan niya rin na nakaligtas si Pearl at kasalukuyan minomonitor ang lagay nito. Wala silang sinayang na oras at nagpunta na agad sila rito sa headquarters nila Arsen kung saan napag-alaman niya na dinala si Marlon. Nagulat pa siya nang makita ang mommy niya at mommy ni Hycent. Sumama rin pala pabalik sa Pinas ang mommy niya nang malaman ang nangyari. Ang hindi niya maunawaan ay kung ano ang ginagawa ng mommy ni Hycent rito. Gustuhin niya man magtanong ay hindi na niya nagawa nang ipinasok na si Marlon sa loob at ngayon nga ay kaharap na nila."Iho, si tita Lovely ito. I know you don't remember me at all. But… I'm your parents' friend." Pagbasag ng mommy niya sa katahimikan."And I'm your tita Lucy, how are