Tahimik lang ako habang hinihintay ang reply ni Jude sa text ko sa kanya. Nabasa niya kaya? May load kaya siya?
Sa gitna ng katahimikan, nagbukas si Zach ng usapan.
"Ilang taon na pala uli kayong magkakaibigan nina Jude?" tanong niya.
"Mula noong maliit pa lang ako, sila na yung mga kasama ko.""Masaya ba silang kasama? Yung si Jomari kasi mukhang suplado e!""Sobrang masaya sila kasama! Kaso minsan, ang kukulit nila e! Lalo na si Jomari. Madalas nga naiinis ako dun e! Parang bata kasi."Hindi ako nagkukuwento sa iba ng tungkol kina Jude at Jomari. Wala rin naman kasi akong ibang gustong kausapin kundi sila lang. Lagi kasi akong palagay 'pag sila yung kasama ko.
"Bianca, what if, for example, nagka-boyfriend ka. Sigurado, hindi mo na sila madalas na makakasama."
Napaisip ako bigla roon. Tama si Zach. Kung magkaka-boyfriend siguro ako, mababawasan na yung oras ko sa kanila. Kaso... ayaw ko namang ma
Nabigla ako sa ginawa niya."Zach, ano ba?!" tanong kong pagalit dahil sa paghalik niya sa akin. Itinulak ko siya para mapahiwalay siya. Nagmadali akong lumabas sa kotse at binilisan ko ang paglalakad."Bianca! Wait! Bianca!" isinisigaw niya habang hinahabol ako. Binilisan ko lalo ang paglalakad. Hindi ko siya nililingon. "Bianca, please! Wait!"Masama ang loob ko sa pambabastos niya sa akin. Ano ba'ng akala niya? Na lahat ng babaeng gusto niya e puwede niyang score-an? Pero hindi rin ako nakatiis at huminto ako.Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, mukhang natatakot dahil magkasalubong ang mga kilay ko."Sorry, nadala lang ako," paumanhin niya.Hindi ako sumagot."Hindi ko na uulitin." Itinaas niya ang kanang kamay niya tanda ng panunumpa, "I promise."Napabuntong-hininga ako. Kahit kailan talaga ay hindi ko magawang magalit nang ganoon katindi o katagal. "Naghihintay na sila sa atin," sabi ko."Bianca, I'm so sor
Hindi naging maganda ang kinalabasan nang sabihin ko kinabukasan kay Jomari yung tungkol sa binigay na vanilla ice cream ni Zach. Napag-usapan namin iyon habang hinihintay na dumating yung prof para sa first period ng klase namin. Nanggigigil si Jomari sa inis. "Sabi ko na nga ba't may saltik yang kaibigan ni Jude! Sino ba namang normal na tao ang gagawa nun? Stalker lang, Bianca!" Sa takot na baka may makarinig sa amin, pinakiusapan ko siyang hinaan naman niya yung boses niya, pero mukhang minasama lang niya ito. "Alam mo, kung ako sa iyo, hindi na ako tutuloy sa date na iyan. May ilang araw ka pa naman para umurong." Nadismaya ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman malinaw na sa kanya yung kagustuhan kong matulungan si Star. "Jom, sinasabi ko ito hindi para pigilan mo ako sa balak ko kundi para i-inform ka tungkol sa mga nangyayari," pag-kontra ko sa gusto niyang mangyari."E bakit kasi 'di mo na lang siya kompro
Pumasok kami ni Zach sa isang silid sa tenth floor ng condominium na pinuntahan namin. Wala kang ibang makikita kundi kadiliman. May pinindot si Zach na switch ng ilaw at lumiwanag ang paligid. Malalaki at makakapal na pulang kurtina ang tumatakip sa mga bintana kaya naging madilim sa loob. Tumapak ako sa tiles na sahig at tuluyan na kaming naglakad sa loob nito."Nasaan tayo?" tanong ko.Ano nga kaya talaga ang lugar na ito? Nakuha ko rin naman ang sagot nang sabihin ni Zach kung nasaan na ba kami."Star's gallery. Dito niya nilalagay yung artworks niya. Aside from singing, she loves to paint. Hindi niya forte ang modelling. Napilitan lang siyang mag-pose noon sa FHM. Mukhang na-satisfy rin naman niya yung mga tao."Halata namang hindi napabayaan yung lugar dahil nasa ayos ang lahat. Malinis din ang paligid. Ang nakapagtataka lang, nakatulakbong ng puting tela ang mga painting na nasa stand, maging yung ibang
"Alam mo, sabi ni Star, marami siyang nasasagap na negative aura sa akin. Kaya nga kahit na ilang beses ko siyang niligawan noon, lagi niya akong tinatanggihan. Baka raw ako pa yung magdala ng malas sa kanya. Maiba ako, Bianca. Matanong kita, may kakaiba ka bang nararamdaman kapag kasama mo ako?" Kakaibang nararamdaman? Yung nakakakilabot na pakiramdam... Mga pangitain... Mayroon, Zach! "Wala... wala naman," pagsisinungaling ko. "Hmmm... Puwede ba nating tingnan yung other paintings niya?""Sige, puwede kang magbukas ng kahit na ano." Nilibot ko ang silid. Nagbukas ako ng isang nakataklob na painting at binasa ang nakasulat na pamagat na makikita sa kaliwa, bandang ibaba. "Bestfriends," iyon ang pamagat. Isa itong red rose, may tangkay at may mga dahon. "Bestfriends ang title? Si Star ba yung rose at ikaw yung dahon?" tanong ko."Binigyan ko siya ng rose last year... Valentine's Day. Yayayain ko sana siya... Kaso may na
Liwanag ang nasilayan ko nang imulat ko ang mga mata ko. Una kong nakita ang kisameng kulay puti."Nasaan na ako?" tanong ko sa sarili. Nasa loob ako ng isang silid, pero mukhang hindi ito yung pinasukan namin kanina ni Zach.Tiningnan ko ang paligid. Malapit sa pintuan at nakaupo sa isang animo'y malambot na upuan si Zach. May kausap siya sa cell phone."Oo. Pumunta ka rito. Bilisan mo ha!" narinig ko mula sa kanya.Itinago niya na ang hawak na cell phone. Bumangon ako sa hinihigaan na agad niyang napansin."Bianca!" Agad siyang lumapit sa akin. "Thank God gising ka na. You made me so damn worried!" Hinalikan niya ako sa noo."Nasaan tayo?" agad kong itinanong."Nearest hospital," sagot niya."Ano'ng nangyari?" sunod na tanong ko."Paglabas mo sa CR bigla ka na lang hinimatay! Buti nasalo agad kita.""Paglabas ko sa CR hindi kita nakita.""Huh? How come?" laking pagtataka niya.Pumiki
"Bianca, huwag na muna tayong pumunta sa gallery," sabi ni Zach."Bakit, Zach?" tanong ko."You need some rest." Bakas sa kanya ang pag-aalala."Pero, Zach. Ok naman ako," pagkontra ko, pero wala rin naman akong nagawa nang umapila rin siya."Huwag nang matigas ang ulo mo. Let's call this a day. Mamaya mahimatay ka na naman. I cannot risk your safety.""Pero i-promise mong babalik pa rin tayo sa gallery," pangungulit ko."Sige, I promise. Pero hindi ngayon. Maybe tomorrow or baka sa ibang araw kung kailan mas ok ka."Salamat naman sa sinabi niyang iyon... Nakakuha akong pag-asang sa mga susunod na araw ay malilinawan kami paunti-unti sa tunay na nangyari kay Star."Gusto ko nang umuwi sa bahay. Ayokong mag-stay rito sa ospital. Ok naman na ako," hiling ko.Nginitian niya ako. "As you wish," sabi niya. Bumaling siya kay Jude, "Paki-assist muna si Bianca. Magbabayad lang ako ng hospital bill."Oo nga pala! Yung hospital bil
Hindi ko inaasahan ang pag-abang ni Jomari sa akin sa labas ng bahay namin kinabukasan. Nagkatitigan lang kami. Pinakikiramdaman ko kung mayroon siyang sasabihin, hanggang sa nagsalita na nga siya. "A..." pasimula niya. Para naman akong sira habang nakatingin lang sa kanya at hinihintay siyang magsalita. "A... Sorry kahapon," patuloy niya. "At salamat din pala. Sabi ni Jude kasama ka raw niya na nagdala sa akin sa bahay," pahabol pa niya. Buti naman at nasa katinuan na siya, hindi gaya kagabi na mukhang lasing na lasing. "Bakit ka naglasing?" kalmado kong itinanong."Maraming iniisip. Basta," dahilan niya."Puwede kong malaman?" tanong kong muli."Basta," sagot lang niya."Hindi tayo naglilihiman, 'di ba?" sabi ko. Tila gusto niyang ibahin ang usapan nang yayain niya ako, "Halika na, late na tayo." Hindi ako nakinig. "Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka naglasing." Inulit ko ang tanong ko, "Bakit
Natakot. Nanlamig. Kinabahan.Ganyan ang naramdaman ko nang lumabas ako sa Old School matapos kong tanggihan ang alok ni Zach.Umalingangaw sa isip ko yung itinanong niya sa akin,"Will you be my girlfriend, Bianca?"Paulit-ulit ring sumagi sa isip ko yung isinagot ko,"Sorry."Tumakbo ako palayo at umalis sa lugar na iyon sakay ng jeep. Nakarating ako sa amin na gulong-gulo ang isip. Hindi ako nakatulog nang maayos noong gabing iyon. Iyak ako nang iyak habang nakahiga sa kama.Kinabukasan, tinawagan ko si Dennis. Minabuti kong makipagkita sa kanya sa isang cafe sa isang mall. Marami akong mga tanong sa kanya na alam kong hindi mareresolba sa isang phone call lamang. Naisip kong mas mabuti kung makapag-uusap kami sa personal.Agad niyang napansin ang namamaga kong mga mata nang magkita kami. Magkatapat kami sa lamesa."Namumugto ang mga mata mo. Iniya