Share

Kabanata 81 : Ivan's POV

"Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung hinahawakan ako," mahina ngunit mariin kong sambit sa kaniya.

Tila nabigla naman siya sa sinabi kong 'yon kaya natahimik siya at may bakas ng takot sa kaniyang mga mata. Marahan ko siyang binitawan sa kamay at saka naman siya napatayo na may guhit ng kunot sa kaniyang noo.

Hindi ko na lang siya gaanong pinansin at uminom na lang ako sa alak na nasa harapan ko ngayon.

Umalis ito at palingon-lingon pa sa kinaroroonan ko pero binabalewala ko lang 'yon, nang may muling lumapit sa akin na babae at nakatayo sa aking harapan.

Binaba ko saglit ang hawak kong bote ng alak at siyaka siya inangat ng tingin.

Laking gulat ko na lamang nang mapagtanto ko na si Shaina pala yung babaeng nasa harapan ko ngayon.

Siya 'yon. Ang babaeng sumagasa kay Alona. Bulong ko sa aking isipan.

Gusto ko sanang alamin mula sa kaniya kung bakit niya iyon ginawa sa kaniya?

Kung dala lang din naman ng selos o emosyon, h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status