Share

Chapter 12

Eana Beatrix

Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin sa aking utak ang mga sinabi ni Juancho kanina. Kasalukuyang nanunuod siya sa sala kasama ang dalawang bata at nakikipag-usap sa kaniya ang madaldal na si Miko. Akala mo walang ginawang pambabanta sa akin kanina kung makitawa sa mga pinagsasasabi ng huli.

Ang walanghiya, dito rin sa bahay nakikain ng paunlakan ang alok ni Mama. Kaya ang siste, sa buong durasyon ng aming salo-salo ay sila lang din ang nagkukwentuhan, isama mo pa ang dalawang bata. Lalo na si Artemis na bihira lang makipag-usap sa hindi niya kilala.

Padabog kong tinapos ang pagpupunas ng mesa at sinimulan ko na ang paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Tahimik ko lang na ginagawa iyon nang biglang may nagsalita malapit sa aking tenga.

“Can I help you?”

Muntik ko ng mabitawan ang sinasabunan kong baso dahil halos mapatalon na ako sa aking pagkagulat.

“Aatakihin ako sa’yo e! Ba’t ba bigla ka na lang sumusulpo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status