Chapter • Three
"Sinabi na kasi sayong tigilan mo na 'yon. Sino bang matinong lalake ang matapos makipagkita sa gitna ng madilim na lugar eh bigla na lang lalayas?" Bakas ang matinding inis ni Noreen. Kanina pa nakakunot ang noo niya matapos niyang malaman ang nangyari kagabi.
Hinila ko ang isang silyang kakaayos ko lang saka ako naupo at nagpangalumbaba sa mesa. "Nakakainis. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko pagdating sa mga lalake?"
Umismid siya saka ngumisi. "Ngayon mo lang narealize 'yan? Tsk. Naku Shantal ha kapag ikaw talaga nakita kong nakikipag-usap sa damuhong 'yon, naku. Kakaladkarin talaga kita." Nanggagalaiti niyang sabi.
Napailing na lamang ako habang nakangisi. "Hindi na talaga. Pagkatapos niya akong
Chapter • FourNagtatalo ang puso at isip ko habang nakatingin sa pinto ng sasakyan ko. That guy is really getting into my nerves and he's scaring the shit out of me. Gusto ko siyang puntahan at pagsabihan pero ginagapangan ako ng takot.Marahas akong napabuga ng malalim na hininga. Isang mahinang mura ang lumabas sa bibig ko kasabay ng tuluyan kong pagbukas sa pinto ng aking kotse.Bago ko pa man maibwelta ang sasakyan ay nakita ko pa ang paglabas ni Noreen ng restobar. Nakakunot ang noo niya nang makita akong papaalis. Nang tawagin niya ako ay sinenyasan ko na lang siya. Alam kong pipigilan niya akong puntahan si Jace pero hindi ko kayang palampasin ang gulong ginawa niya. Baka mamaya maubusan pa kami ng customer dahil sa ugali niya.
Chapter • Five"Aray ko naman!"Nahilot ko ang parte ng ulo kong kinutusan ni Noreen. Naningkit ang mga mata ko dahil sa ginawa niya pero tumalim lang lalo ang tingin niya sa'kin.Nagpamewang siya at tinaasan ako ng kilay. "You let that bastard kiss you and not just once, twice?! My goodness, Mariane Shantal! May ikakatanga ka pa ba?"Nasapo niya ang kanyang noong tila stress na stress dahil sa mga nalaman. Nahihiya naman akong tumango saka bumaba ang tingin ko sa hawak kong frappe. Sumipsip na lamang ako at mas pinili na lang na itikom ang bibig ko. I deserve all the nagging. Kung hindi ba naman kasi ako isa't-kalahating tanga, hindi ko naman sana maririnig ang mala-machine gun na bibig ng bestfriend ko.
Chapter • SixHalos buong araw na tumakbo sa isip ko ang litrato ni Jace at ng grupong nakabig bike. May kung ano sa kanilang bumagabag sa akin lalo na 'yong lalaking nakatingin sa akin kanina.Katulad din kaya sila ni Jace? Bakit nila ginawang target ang picture niya? Paano sila nagkakilala?Ang daming naging tanong sa isip ko pero kapag naaalala ko ang pangako ko sa sarili kong didistansya na ako kay Jace, pinipili ko na lang iyong huwag intindihin kahit pa sa maya't-maya ang pagpasok ng mga ito sa isip ko.Lumipas ang maghapong walang Jace na nangulit. Walang bulaklak na dumating at wala ring boses na nagsalita sa isip ko. Isang bagay na dapat kong ikatuwa...pero hindi ko alam kung bakit may parte sa loo
Chapter • SevenIlang beses akong napabuntong hininga habang nakatanaw kay Chad na nakikipaglaro sa ibang mga mata. Minabuti namin ni Maddie na pumunta rito para mas makapag-usap ng maayos."Paano mo siya nakilala? Galing ka rin ba sa Tyrain?" Untag ko.Sandali siyang hindi kumibo. Mayamaya'y itinupi niya ang mga braso niya saka siya tumingin sa akin. "Hindi. Galing ako ng Galum. Ang totoo niyan, hindi kami personal na magkakilala pero marami na akong balitang narinig tungkol sa panganay ng mga Quinnser. Ang Daddy ko ang Beta o ang second in command sa Galum kaya madalas magpulong ang council sa mansyon."Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Nabaling ang tingin ko sa kanya. "I-ibig mong sabihin galing ka sa
Chapter • EightHalos papasikat na ang araw ay hindi ko pa rin nagawang makatulog. What Jace said really bothered me. Kung sabihin niya iyon ay akala mo napakadaling bagay lang ng pagpatay. Hindi ko nga kayang pumantay ng hayop tao pa kaya? Palibhasa kasi siya sanay na sanay siyang gawin ang ganoong bagay. Kung may choice lang talaga...Hindi pwedeng siya ang gumawa dahil siya ang may sumpa. Kailangang ang mate niya ang pumatay sa nagbigay ng curse or else hindi ito gagana.Muli akong napabuga ng malalim na hininga saka ako dumapa. Nakakafrustrate talaga itong nangyayari. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Sana kasi nakuntento na lang ako sa normal na buhay ko rito sa Himofilia. Sana hindi ko na lang pinagpantasyahang marating ang distrito ng Remorse. Iya
Chapter • NinePagkatapos kong maisara ang restobar ay nagpaalam na ang mga empleyado namin. Tinawagan ko si Noreen para iupdate siya tungkol sa naging takbo ng negosyo ngayong araw. Kinamusta ko na rin ang Mama niyang kasalukuyang nakaconfine. Pagkasakay ko ng sasakyan ay nahilot ko ang sintido ko. Sobrang drained ng katawan ko ngayon dala ng pagod at kakulangan sa tulog kagabi.Bago ko napaandar ang kotse ko ay muli akong nakareceive ng text. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakalagay."You've got a lot of black undies, darling."Ang mukha kaagad ni Jace na nakangisi ang unang pumasok sa isip ko. Kaagad kong dinial ang number niya. Halos tatlong ring din bago niya sinagot ang tawag.
Chapter • TenIniwan ko si Jace sa kusina matapos kong makapagluto ng pagkain. Pakiramdam ko antok na antok na ako dahil sa kakulangan ng tulog. Dumiretso ako sa kwarto saka humanap ng pantulog bago ako pumunta ng banyo.Pagkalabas ko ng kwarto ay kumakain na siya. Talagang hindi na ako hinintay, nauna na siyang kumain. Hinayaan ko na lang siya. Sandali niya lang din akong tinapunan ng tingin saka siya uminom ng beer at nilunok ang pagkain sa bibig niya."Ang alat mo magluto." Untag niya.Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Humalukipkip ako saka siya matalim na tinignan. "Ikaw na nakikikain ikaw pa nanlalait. Ibang klase ka rin." Inis kong sabi. Kapal niya ah? Wala pang nanlait sa luto ko siya lang.
Chapter • ElevenHalos isang oras na akong nakatitig sa puting kisame ng kwarto. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba akong nakapagpakawala ng buntong hininga.Jace's words keep on playing in my mind. Hindi ko nagawang sagutin ang sinabi niya. I ran out of words and my mind took a bit longer to process what he said.Hindi na siya natuloy matulog sa apartment ko. Matapos niyang sabihin iyon, ilang segundo pa siyang nanatiling nakayakap sa akin pagkatapos no'n ay bigla na lang siyang pumasok ng kwarto at kinuha ang t-shirt niya. Isinuot niya iyon saka siya naglakad patungo ng sala para kunin ang jacket niya.Para akong naestatwa. Pinanood ko lang siyang maglakad patungo sa pinto. Wala sa sarili akong nan