Share

Kabanata 32

Nanggalaiti si Karine. Namula ang mga pisngi niya sa sobrang hiya at galit.

Ang reputasyon niya ang pinakamahalagang bagay para sa kanya. Ngayong napahiya siya, pinagbuntunan niya ng galit niya si Cordelia. Inangat niya ang kamay niya upang sampalin si Cordelia, ngunit pinigilan siya ng mga tao sa paligid niya.

Tinuro nila ang surveillance camera sa kisame, at pinakiusapan nila siya na huminahon.

Tumingin ng masama si Karine kay Cordelia at sinabi niya sa kanya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin pagkaraan ng ilang sandali na, “Anong maipagmamalaki mo sa pagpapakasal sa isang mahirap na lalaki? Ni hindi ka nga niya kayang ibili ng singsing na gawa sa tanso o bakal! Maging mahirap sana kayo habangbuhay, mga walang kwenta kayo!”

Tumalikod at umalis siya agad pagkatapos niyang magsalita. Ngumisi si Cordelia habang pinagmamasdan niya ang pag-alis ni Karine.

Mukhang hindi na siya matatahimik sa opisina mula ngayon.

Kailangan niyang magplano at maghandang maigi.

Kinabukasan…

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status