Share

Kabanata Cincuenta y ocho

LUMABAS NG KWARTO si Allan habang inaayos ang suot na uniporme. Nakaipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat habang hinihintay na sagutin ni Scarlette ang tawag.

Kanina nang magising ay ibinalita ng tauhan na malapit nang dumaong ang barkong sinasakyan ni Ramon at ilan nitong tauhan.

Nakaabang na sa lugar ang mga personal niyang tauhan upang hulihin ang grupo. Kaya bago pa makapagsalita si Ramon tungkol sa koneksyon nila'y kailangan na niyang makausap si Scarlette, mapauwi ito kahit saglit man lang upang magkasama naman silang tatlo bago tuluyang bumalik sa Lopelion si Amelia.

Hindi sumagot si Scarlette kaya muli niyang tinawagan. Pababa na siya sa hagdan nang maamoy ang niluluto ni Amelia. Kahit may kalayuan sa distansya ng kusina ay umabot pa rin sa pang-amoy niya ang bango ng niluluto nito.

“Good morning,” pormal niyang bati kay Amelia na nakatalikod at abala sa ginagawa.

“Good morning din,” tugon nito.

At muli, dumaan ang katahimikan sa pagitan nila tulad nang nangyari ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status