Share

Kabanata Sesenta y tres

PAPASIKAT PA LAMANG ANG ARAW at unti-unting lumiliwanag ang kalangitan ngunit para kay Scarlette ay tuluyan nang naging madilim ang kanyang mundo.

Gusto niyang umiyak pero walang lumalabas na luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang sumigaw pero ‘di niya magawa.

Nakatulala lang siya sa lumang building na ngayong hindi na makilala dahil sa naganap na pagsabóg. Sa kanyang tabi ay si Dahlia na kanina pa lumuluha.

Nakaupo sa loob ng ambulansya ang dalawa at parehong may nakabalot na towel sa katawan.

Maraming opisyal ang dumating nang malaman ang nangyari. May mga pulis at rescuer sa lugar upang mag-imbestiga at hanapin ang katawan ni Allan.

Nangunguna sa paghahanap si Maximo at ilang tauhan, nagbabakasakaling may makita man lang silang parte ng katawan nito.

Maingay at magulo ang paligid ngunit tila walang naririnig at nakikita si Scarlette. Tuluyang huminto ang lahat para sa kanya.

Hanggang sa dumating si Marcus na may dalang bottled water para sa dalawa upang kahit papa’no’y makain
Zxoul49

Hello, nagpahinga ho ako ng 1month. Medyo stress lang pero balik update na po uli ako. Hindi ko nga lang maipapangako na daily🥲

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status