Share

Kabanata Sesenta y cuatro

KINAGABIHAN ay nagtungo si Marcus at Luna sa main house. Naabutan nila si Dahlia na abala sa cellphone at may tinatawagan. Hindi mapakali ang itsura at pabalik-balik ang lakad.

“Anong meron?” tanong niya kay tiya Corazon na naro'n din.

“Kanina niya pa tinatawagan si Scarlette pero ayaw sumagot.”

“Hindi pa ba nakakabalik?” Ilang oras na ang dumaan at hindi pa ito nakakauwi simula nang umalis kanina.

“Kaya nga alalang-alala na si Ate, dahil hindi pa siya nakakabalik. Ring lang nang ring ang cellphone, ayaw sagutin ang tawag.”

“Ipinahanap na ba sa security?”

“May inutusan na si Maximo pero hindi pa nagri-report.”

Kaya nilapitan na ni Marcus ang Ina upang pakalmahin. Sinabihan na huwag masiyadong mag-alala at babalik din si Scarlette.

“Hindi ko maiwasan, anak. Kamamatáy lang ni Allan kaya natatakot ako para sa kaligtasan ni Scarlette,” pahayag ni Dahlia.

Hanggang sa dumating si Lucas. “Dumating na si Scarlette, nasa may gate at papunta na rito,” pahayag niya sa lahat.

Biglang nabuhayan si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status