Share

Kabanata Sesenta y dos

NAUNANG DUMATING sa lugar si Allan. Hawak ang isang baril habang ang isa pa'y nakasuksok sa likod nang lumabas siya ng sasakyan.

Sa lahat ng lugar na maaaring pagdalhan ni Ramon kay Dahlia ay rito pa, sa lupang pagmamay-ari niya.

Ang lupang minsang tinuluyan ni Ramon habang naghihintay na tumakas patungo sa Mindanao.

At dahil gabi na'y mahirap kumilos sa dilim lalo pa't wala siyang dalang ilaw at umaasa lang sa nakikita ng paningin. Magkagano'n man ay kabisado niya ang lugar.

At kung tama ang hinala niya'y nasa loob ng maliit at lumang bahay si Ramon… at sana nga lang ay nasa loob din si Dahlia upang hindi na siya mahirapan pa sa paghahanap.

Dahan-dahan siyang naglakad sa matalahib na lupa. Pinapakiramdaman kung may iba bang tao sa paligid lalo pa't mahirap tukuyin kung mayro'n nga sa dilim ng lugar.

Hindi rin nakatulong ang malakas na simoy ng hangin na sinasayaw ang halaman sa paligid. Pakiramdam niya'y may ibang taong naglalakad kasabay niya ngunit kapag lilingon ay wala naman siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status