Share

Kabanata Sesenta

SAMA-SAMANG NAGTANGHALIAN ang pamilyang Lopelion. Ngunit hindi tulad ng nagdaan ay naiiba ang araw ngayon. Dahil kasama na nila sa wakas si Dahlia.

Kompleto na sila at kitang-kita ang saya sa mukha ng lahat habang nagkukuwentuhan.

At walang ibang bida sa mga oras na ‘yun kundi si Amelia. Katabi nito ang kapatid at si Maximo.

Habang sa harap naman si Marcus at Luna.

“Tita ‘Ma,” tawag pansin ni Lucas sa kalagitnaan ng pagkukuwento ni Amelia. “You used another name for how many years, kaya iniisip ko lang kung anong itatawag namin sa'yo ngayon?”

“Ano bang klaseng tanong ‘yan, Lucas?” ani Timoteo. “Siyempre ay Dahlia. ‘Yun ang orihinal niyang pangalan.”

Napatango naman si Lucas pero… “Nasanay siyang tawaging Amelia, ‘Lo. At lahat ng tao'y kilala siya bilang si Amelia Rodriguez.”

“Isa pa ‘yan sa dapat na asikasuhin. Dapat maisapubliko na nagbalik ka na,” si Maximo sabay tingin sa asawa.

“’Wag muna, ‘Pa,” sabat ni Marcus. “Ilihim muna natin sa lahat hanggang hindi pa nahuhuli si Ramon.”

“Ta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status