Share

Kabanata Cincuenta y tres

DAHIL SA GINAWA ni Ramon na pag-kidnàp sa batang Lucas noon ay itinago ni Maximo ang anak sa military camp sa takot na maulit ang nangyari rito. Si Corazon ang kapatid ni Dahlia ay lumuwas dahil sa nangyari sa kapatid, kasama ang anak na si Marcus.

Sobrang laking balita ang nangyari sa pamilya nila kaya halos lahat ng reporter ay sumugod sa Lopelion residence upang makasagap ng magandang balita.

Hindi pa mahigpit ang Lopelion noon kaya marami ang nakapasok at nakita ang batang Marcus. Inakalang ito ang anak ni Maximo na nakidnap at walang pahintulot na kinuhanan ng litrato.

Muntik nang lumabas sa mga dyaryo ang mukha ni batang Marcus, mabuti na lang at agad napigilan ni Maximo. Ngunit hindi nila itinama ang pagkakamali ng mga reporter. Sa pahintulot ni Corazon ay naging si Lucas ang anak upang maprotektahan ang pamangkin mula sa mga taong naghahanap, gaya ng mga reporter lalo na kay Ramon. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa naisipan na lamang nilang pagmukhaing totoong Lopelion si Marcus
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status