Share

Kabanata Cincuenta y cuatro

KINABUKASAN, pagsapit ng umaga, kasabay ng papasikat na araw ay handa na sa pag-alis si Maximo.

Wala siyang sinayang na oras at agad na naghanda sa pagtugis kay Ramon. Kasama ang mga pulis at personal na tauhan ay sasalakayin nila ang lungga ni Ramon matapos na mabigyan ng permiso ng Presidente upang hulihin ito.

Nang makarating sa paliparan ay sinalubong siya ng kaibigan, si Allan. Si Police General Allan Rodriguez ang chief-in-command sa operasyon at binigyan siya ng pahintulot na tumulong sa operasyon.

“Tulad ng napagplanuhan ay may pinauna na akong limang batch upang pumwesto sa lugar!” pahayag nito dahil sa ingay ng mga papaalis na helicopter.

“Mabuti kung gano'n!” tugon ni Maximo saka tumingin sa ilang helicopter na hindi pa nakakaalis.

May tatlo na kasalukuyang naghahanda sa pag-alis at hindi niya alam kung sa'n siya sasakay. Mabuti na lang at hinigit siya ni Allan patungo sa asul na helicopter.

Matapos na sumakay ay agad na nagmaniobra ang piloto upang tuluyan silang makaalis.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status