Share

Kabanata Cincuenta y seis

KAILAN nga ba niya unang nakilala si Dahlia?

Hindi na matandaan ni Allan ang eksaktong araw, pero isa lang ang nasisiguro niya. Isa sa pinakahindi niya malilimutan ang una nilang pagtatagpo ni Amelia… na noon ay si Dahlia pa.

No'ng magkaisip ay ay unti-unti niyang naunawaan ang hirap ng buhay.

Isang waitress at nagbebenta ng aliw ang kanyang Ina sa isang maliit na bar noon. Mahirap mang aminin ngunit ikinahihiya niya ang trabahong ibinubuhay sa kanya ng Ina. Sa kung sino-sinong lalakeng dinadala sa maliit nilang bahay na ipinapakilala sa kanya bilang nobyo.

Hanggang sa noong magbinata siya'y dinala ng Ina niya sa bahay si Ramon at pinakilalang nobyo. Wala siyang naging reaksyon dahil nasanay na sa mabilisang pagpapalit nito ng nobyo na madalas namang hindi nagtatagal.

Tumira sa kanila si Ramon ng isang taon tapos ay biglang nawala. Hindi malaman ng kanyang Ina kung sa'n ito nagtungo o kung sa'n hahagilapin.

At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang Ina na masaktan dahil sa isang lala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status