Share

Kabanata Treinta y ocho

NALILITO NA SI FAUSTO sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.

At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.

Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.

Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.

“Fausto—”

“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa sa opisina kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niya pang tumalikod upang hindi ito maharap.

“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”

May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha sa ‘tin si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”

Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status