Share

Kabanata Cuarenta y dos

MAKALIPAS LANG NG ILANG MINUTO ay lumapit ang lawyer at may binulong kay Alberto.

Iritado ang naging ekspresyon na pinuna agad ni Ramon, “Anong nangyayari?”

“May kaunting aberya lang sa bahay.” Pinili ni Alberto na ‘wag ng ipaalam kay Ramon kung ano man ang sinabi ng lawyer.

Pero hindi kumbinsido si Ramon at tinanong ang lawyer, “Ano ‘yun?”

Nagkatinginan muna ang dalawa bago tuluyang sumagot si Alberto, “Pasensiya na, may dumating na pulis sa bahay at hinahanap ako. Ayoko sanang ipaalam ‘to dahil—”

Bigla'y hinugot ni Ramon ang baril at itinutok kay Alberto. “Wala kang balak sabihin sa ‘kin? Bakit, may binabalak ka?”

Mabilis ang taas ng kamay ni Alberto sinyales na wala siyang balak lumaban. “A-ayoko lang na masira ang magandang umpisa ng plano ‘pag nalaman niyong pinaghahahanap ako.”

Matagal bago tuluyang ibaba ni Ramon ang baril. “Inaasahan ko ng kikilos ang Lopelion, pero mas maaga sa inaasahan ko. 'Wag kang mag-alala wala tayong dapat na ipangamba.”

“Pero pa'no ‘pag hinuli nila ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status