Share

Kabanata Cuarenta y nueve

ISANG NAKAPANLULUMONG TAGPO ang nakikita ngayon ni Scarlette. Nakatanaw man siya sa malayo ay ramdam niya ang hinagpis at sakit na nakikita sa mga naulilang kaanak ng mga namatay na biktima ng aksidente.

Ang hiyaw ng mga naiwan ay sadyang masakit at malungkot marinig. Hindi katanggap-tanggap at humihingi ng hustisya ang mga ito para sa nasawing mahal sa buhay.

Hindi man siya ang nawalan ay ramdam niya ang sakit. Sadyang nakakagalit at puno ang kalooban niya ng pagsisisi.

Dapat ay may nagawa man lang siya. Sana’y hindi niya hinayaan na may buhay ang tuluyang mawala. Kung sana'y hindi siya naduwag at natakot, ay may nailigtas sana siyang buhay.

“Captain,” sambit ni Kurt sabay abot ng styro-cup na may lamang mainit-init na tubig. “Uminom ka muna.”

Pero hindi kumibo si Scarlette. Masama ang loob niya para pansinin ito.

Napabuntong-hininga naman si Kurt at kinuha ang kamay ni Scarlette para ibigay ang styro-cup, saka naupo sa tabi nito. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Captain. Isipin mon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status