Share

Kabanata Cincuenta

MASAMA ANG LOOB ni Liliane. Pakiramdam niya'y hinusgahan siya ng lahat kahit hindi naman totoo ang ibinibintang sa kanya.

Mga haka-hakang walang basehan!

Biktima rin siya! Pero wala ng dapat makaalam no'n.

Kahit pa nais siyang tulungan ni Scarlette na malinis ang sariling pangalan.

“Maraming salamat na lang sa tulong, pero marami na ‘kong iniisip ngayon. Hindi pa magaling ang asawa ko't nagkakaproblema pa ang kompanya namin kaya hindi ko na ‘yan mahaharap, kaya ang lawyer ko na lamang ang kausapin mo,” pahayag niya at saka tuluyang umalis upang balikan si Fausto.

Si Scarlette naman na naiwan ay tinanaw na lamang ang papalayo nitong pigura saka nagpasiyang tawagan si Marcus upang sabihin ang nangyari.

“Hayaan mo na lamang siya, kung ‘yun ang nais niya,” tugon ni Marcus.

“Maaari siyang mapasama sa listahan ng mga suspek sa oras na mapatunayan na sinadya ang aksidente.”

“Hanggang do'n lang ‘yun. Walang makukuhang ebidensya laban sa kanya.”

“Alam ko ‘yun dahil pareho nating alam kung sino
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status