Share

Kabanata Cincuenta y uno

HINDI MALAMAN ni Luna kung ano ang mararamdaman, nang ipaalam ni Scarlette na posibleng malagay sa listahan ng mga suspek ang kanyang Ina'ng si Liliane sa oras na mapatunayan na sadya at hindi isang aksidente ang nangyari kay Alberto Roces, Andrew at iba pang nasawi sa insidente.

Umawang ang kanyang bibig upang magsalita ngunit bigo namang isatinig ang talagang nasa isip. Napatingin na lang siya sa nanginginig na kamay. Natatakot siya.

Takot na takot para sa maaaring sapitin ng kanyang Ina.

Si Marcus na napansin ang takot mula sa asawa ay humawak sa kamay nito bilang pagsuporta. At matapos ay tumingin kay Scarlette. Kumurap ng isang beses bilang sinyales ng pasasalamat dahil hindi ito nagsalita tungkol sa DNA result.

Sumenyas din si Scarlette. Tinatanong kung ano ang mangyayari ngayong hindi pa mahanap ang nawawalang katawan ni Roces. Pa'no sila makapagsasagawa ng DNA test kung wala silang samples na magagamit?

Kailangan pang mapatunayan na hindi magkadugo si Luna at Alberto upang hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status