Share

Kabanata Cuarenta y siete

MATAAS NA ANG ARAW nang magising si Luna. Wala na sa kanyang tabi si Marcus ngunit nag-iwan naman ito ng maliit na note na nagsasabing nauna na itong umalis para sa trabaho.

Ayon pa sa note, ay hindi na niya kailangan tawagan ang opisina na hindi siya makakapasok ngayong araw dahil nakausap na ni Marcus ang kanyang sekretarya. Sa pa'nong paraan nito nakuha ang contact number ni Jenny ay wala siyang ideya.

Nilapag niya sa table ang note at pinagmasdan ang pagkaing iniwan nito para sa kanya.

Breakfast in bed, o tamang sabihing bruch in bed dahil tanghali na.

Isang simpleng pagkain na may garlic rice, sunny side-up egg at fries. May kape rin pero malamig na hindi na dapat pagtakhan.

Magkago'n man ay ininom niya pa rin ito dahil pinagluto at pinagtimpla siya ng kape ni Marcus. Alam niyang ito ang naghanda ng pagkain niya dahil hindi naman mahilig mag-utos ang isang ‘yun sa cook. Bagay na ikinatuwa niya nang labis dahil bukod sa marunong sa gawaing bahay ay magaling pang magluto. Mawalan m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status