Share

Kabanata Treinta y seis

SA PAGBALIK ay nakiusap si Luna na ‘wag silang magsabay na umuwi sa mansiyon. At kahit hindi nito sabihin ang dahilan ay nauunawaan ni Marcus na inaalala lang nito ang magiging reaksiyon ng mga magulang sa oras na maabutan silang magkasama.

Nagawa na niyang makuha ang loob ng asawa at ngayon nga'y nagkakamabutihan na sila. Kaya ang nais niya'y isunod ang mga magulang nito. Kung kinakailangan na ligawan niya ang mga ito ay gagawin niya, makuha lamang ang pagsang-ayon ng mga ito sa relasiyon. Ngunit hindi muna ngayon. Hindi niya nais biglain ang mga ito at makatanggap ng masamang reaksiyon.

Paunti-unti niyang kukunin ang loob ng mga ito para pagdating ng araw ay matanggap na siya at sumang-ayon sa relasyon nila ni Luna.

At dahil nga sa pakiusap ng asawa ay pinauna na niya itong umuwi at naglakad na lamang siya pagkarating sa subdivision.

Wala pa ngang five minutes ay nakarating na siya sa gate para lang hilahin ni Benjie palayo. “Sir, nag-report sa ‘kin ang kasamahan kong nakabantay sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status