Share

Kabanata Treinta y cinco

HINDI ITO ANG UNANG BESES na may hahalikan siyang babae. Hindi rin unang beses na naakit siya ng ganito. Lalong hindi unang beses na may babaeng nagpasabik sa natutulog niyang diwa.

Pero alam niyang iba si Luna sa mga babaeng nakilala at nakasama. Hindi ito nagkaro'n ng boyfriend at sigurado siyang wala itong experience pagdating sa ganitong bagay.

Sa madaling salita'y inosente pa ito’t puro.

Kaya labis-labis ang pagpipigil niya upang hindi ito mabigla at matakot. Dahil isang maling galaw lang ay baka kumaripas ito ng takbo palayo sa kanya.

Pero talagang sinusubok siya ng pasensiya. Pasensiyang kanina pa napigtas.

Kaya kahit todo-todo ang pagpipigil ay nagpasawalang bahala na lamang siya. Hindi naman siguro masamang damhin kung gaano kalambot ang labi nito. Hindi naman siguro masamang hawakan ang makinis nitong pisngi pababa sa balingkinitan nitong katawan.

May mali ba sa gagawin niya?

Wala.

Asawa niya ‘to. At alam niyang pareho nilang gusto ang susunod na mangyayari. Kitang-kita ‘yun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status