Share

Kabanata Veinticinco

LIMANG MINUTO.

Limang minuto na silang nakamasid sa abandonadong building ng walang ginagawa. Matapos maibigay ni General Rodriguez ang lokasiyon kung saan naroro’n si Scarlette at Olga ay agad nilang pinuntahan ang lugar... para lang tumunganga sa labas?!

Panay ang sulyap ni Kurt kay Marcus na nakatitig lang sa building. Nag-uumpisa na siyang mainip.

"Wala ba tayong gagawin? Tumatakbo ang oras.” Narito sila sa isang abandonadong bahay na nasa tapat ng building, nagtatago at nagmamasid.

“Hindi tayo pwedeng sumugod ng basta-basta. Siguradong pauulanan tayo ng bala sa oras na makita tayo.”

“Alam ko ‘yun, pero kasi….” Sumuko si Kurt. Walang maidahilan dahil tama si Marcus.

“Kanina pa walang nagbabantay sa labas ng building,” ang sambit ni Marcus. Maaaring nakatago at inaabangan na ang pagdating ng inaasahan ng mga ito, si General Allan.

“Pansin ko rin, sa tingin mo’y makakalapit tayo?” ani Kurt. Dahil walang kahit na anong makikitang drums o kahit ano man lang na maaaring mapagtagu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status