Share

Kabanata Treinta y uno

TININGNAN ni Andrew si Mr. Roces, mula ulo hanggang paa. Sa suit at relo na suot, hanggang sa mamahaling sapatos.

Lahat ay sumisigaw ng karangyaan kaya nagduda si Andrew kung bakit gusto nitong tulungan sila?

Sila na pinaghahahanap ng alagad ng batas.

“Gusto mo kaming tulungan? Anong kapalit?” diretsahan niyang tanong.

Matalim ang tingin ni Alberto at saka tiningnan ang kasamang lawyer. Ito ang magpapaliwanag ng dapat na gawin ng grupo.

Inumpisahang ipaliwanag ng lawyer ang plano at kondisyon. Ngunit hindi nagustuhan ni Andrew ang sinabi nito.

“Ano?! Hindi ko binuong muli ang grupo para lang maging alipin ng kung sino lang.”

Nagkatinginan si Alberto at Mr. O. “Masiyadong hambog ang pinakilala mo sa ‘min. Ayokong mag-aksaya ng oras kaya aalis na lang kami.” Tumalikod si Alberto upang umalis.

Tumango naman si Mr. O at hindi ito pinigilan. “Pasensiya sa istorbo, ihahatid ko na kayo sa labas.”

“S-sandali lang!” pigil ni Andrew. “P-pa’no kami Mr. O.?”

“Tulad ng sinabi ko. Hindi ko
Zxoul49

Thank you sa pagbabasa!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status